Regine Velasquez at Sarah Geronimo, magsasanib-puwersa sa Valentine 2020 concert

by PEP Troika
Nov 22, 2019
Pagkatapos nina Vice Ganda at Sharon Cuneta, si Sarah Geronimo naman ang susunod na makakasama ni Asia's Songbird Regine Velasquez sa isang major concert.
PHOTO/S: ABS-CBN Entertainment

NOEL FERRER

Asia’s Power Performers, SOON!

Iyan ang post ni Cacai Velasquez for the February14 and 15, 2020 Valentine Concert.

Malakas ang ugong-ugong na after Sharon Cuneta, ang susunod na makakasama ni Asia’s Songbird Regine Velasquez sa concert ay si Sarah Geronimo!

Matatandaang last year, si Vice Ganda ang nakasama ni Regine sa Araneta Coliseum.

Continue reading below ↓

Ngayon, isang exciting combination naman ang handog na pa-event ng Songbird.

Actually, imbitado rin si Regine sa binubuo naming birthday at homecoming concert ng singer-songwriter na si Odette Quesada sa January 17 and 18, 2020 sa BGC Arts Center.

Sana mapapayag siya dahil kumanta rin siya ng kanta ni Odette na naging blockbuster hit pa ng GMA Films, ang "Till I Met You."

Parang magiging busy talaga si Reg next year sa concert tours abroad.

Pero ang comment ng ibang fans niya, sana ay mag-solo concert naman siya.

Malay niyo naman, di ba?

As of now, this team-up with Sarah may also be significant.

Kasi, baka last na munang concert ito ng Popstar bago siya maging Mrs. Guidicelli.

JERRY OLEA

SaReg concert? Exciting iyan!

Nagagawa ni Songbird ang mga ganitong collaboration ngayong Kapamilya na siya.

Hindi nauubusan ng gagawin si Regine. Hindi ba’t may mga nagre-request na gumawa rin sila ng movie ni Sharon Cuneta?

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Iyan talaga ang gusto ni Regine kaya siya lumipat ng Kapamilya network.

Natutupad na ito ngayon.

Dito kaya sa concert ang announcement kung kailan na ang kasalang Matteo-Sarah?

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pagkatapos nina Vice Ganda at Sharon Cuneta, si Sarah Geronimo naman ang susunod na makakasama ni Asia's Songbird Regine Velasquez sa isang major concert.
PHOTO/S: ABS-CBN Entertainment
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results