Sinu-sinong mga artista ang spotted sa 37th Luna Awards Nominees' Night?

by PEP Troika
Nov 21, 2019
Sina Glaiza de Castro (Liway), Nicco Manalo (Gusto Kita with All My Hypothalamus), Max Collins (Citizen Jake), at Epy Quizon (Goyo: Ang Batang Heneral) ang ilan sa mga namataan sa 37th Luna Awards Nominees' Night kagabi, November 20.
PHOTO/S: Noel Orsal

JERRY OLEA:

Magkatuwang ang Film Academy of the Philippines (FAP) at Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa 37th Luna Awards.

Kaya ang nanguna sa Nominees' Night ay ang bagong director general ng FAP na si Vivian Velez at ang chairperson-CEO ng FDCP na si Liza Diño.

Ginanap ito nitong Miyerkules ng gabi, November 20, sa Delgado.112 restaurant, Sct. Delgado St., Quezon City.

Continue reading below ↓

Kabilang sa dumalo rito ang nominadong best actress na si Glaiza de Castro (Liway), nominadong best actor na si Nicco Manalo (Gusto Kita with All My Hypothalamus), nominadong best supporting actress na sina Max Collins (Citizen Jake), at Nova Villa (Miss Granny).

Dumating din ang nominadong best supporting actor na sina Soliman Cruz (Liway) at Epy Quizon (Goyo: Ang Batang Heneral), at nominadong best director na sina Chito Roño (Signal Rock), Dwein Baltazar (Gusto Kita with All My Hypothalamus), at Kip Oebanda (Liway).

Continue reading below ↓

Ang 37th Luna Awards Night ay nakatakda sa Nobyembre 30, Sabado, sa Maybank Performing Arts Theater sa Bonifacio Global City, Taguig City.

Strictly invitational ito. Black Tie Optional ang attire.

Ang schedule nito ay 5:30 P.M. ang Red Carpet Ceremonies; 6 P.M. ang Cocktail Reception; at 8 P.M. ang awarding ceremony.

Continue reading below ↓

Ang red-carpet event at awards ceremony ay may live stream sa Facebook page ng FDCP.

Philippine Cinema extravaganza ang magaganap sa Luna Awards Night, kung saan may tribute para kina Willy Cruz at George Canseco na parehong bahagi ng Luna Awards Hall of Fame.

Dalawang klase ng tropeyo ang igagawad sa Luna Awards ngayong taon bilang bahagi ng centennial celebration ng Philippine Cinema o Sine Sandaan.

Maliban sa tropeyo sa winners ng 12 categories at tropeyo ng special awardees, bibigyan din ng commemorative trophy ng Sine Sandaan ang 30 participating film outfits.

May 10 studio at 20 independent production companies ang pararangalan—Nepomuceno Productions, LVN Pictures, Sampaguita Pictures, Premiere Productions, Lebran Productions, Regal Entertainment, Seiko Films, Viva Entertainment, Star Cinema (ABS-CBN Films), GMA Films, at FPJ Productions.

Kasama rin dito ang AM Productions, NV Productions, LEA Productions, Reyna Films, Tagalog Ilang-Ilang Productions, RVQ Productions, J.E. Production, Quantum Films, APT Entertainment, Unitel Productions, OctoArts Films International, at M-ZET Productions.

Continue reading below ↓

Kabilang din ang Spring Films, TBA Studios, The IdeaFirst Company, Reality Entertainment, Center Stage Productions, Ten17P Productions, at Imus Productions, Inc.

Ang 37th Luna Awards Night ay ididirek ni Ice Seguerra.

GORGY RULA:

Isa sa pinakamabigat na tropeyo ay itong sa Luna Awards.

Sana maibalik iyong ganoong klaseng trophy, kagaya ng FAMAS, na maganda talaga.

Merong awarding dati na parang resin lang ang trophy—ang gaan hawakan at dumidikit pa sa kamay ang gold na pintura.

Mukhang may budget naman ito ngayon.

Good luck sa lahat ng mga nominado.

NOEL FERRER:

Good luck sa Luna Awards.

Siguradong magdadala ito ng panibagong sigla sa tulong ng FDCP.

At sa bagong pamunuan ng FAP, I wonder kung ano na ang update tungkol sa posibleng diumano’y pagtiwalag ng ibang guilds dito.

Paano kaya ito haharapin ng bagong pinuno na si Vivian Velez? Aabangan natin 'yan!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sina Glaiza de Castro (Liway), Nicco Manalo (Gusto Kita with All My Hypothalamus), Max Collins (Citizen Jake), at Epy Quizon (Goyo: Ang Batang Heneral) ang ilan sa mga namataan sa 37th Luna Awards Nominees' Night kagabi, November 20.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results