Kuwento ni Padre Damaso vs. maalindog na Adan: Kumusta ang lagay sa takilya?

by PEP Troika
Nov 21, 2019
Magkano ang box-office results ng Damaso (Arnell Ignacio) at Adan (Cindy Miranda and Rhen Escaño) sa opening day ng mga ito sa sinehan?
PHOTO/S: Screengrab from Damaso / Adan trailer

JERRY OLEA:

Ang highest-grossing film noong 2013 ay ang Frozen, na umabot sa $1.29B ang worldwide gross.

Pangalawa ang Iron Man 3 na naka-$1.21B, at pangatlo ang Despicable Me 2 na naka-$971M.

Nakadalawang parangal sa Oscars ang Frozen—Best Animated Feature at Best Original Song para sa Let It Go.

Matagal nang pinananabikan ng fans ang sequel nito.

Habang papalapit ang showing, painit nang painit ang buzz. Positibo ang reviews rito ng mga kritiko.

At nang itanghal sa Pilipinas ang pampamilyang Frozen 2 nitong Nobyembre 20, Miyerkules, ang first-day gross nito ay magical! Fantastic! Fiesta extravaganza!

Humigit-kumulang PHP25M, ayon sa source ng PEP Troika.

Ang nangahas makipagsalpukan dito na Damaso at Adan... na-FROZEN!!!

NOEL FERRER:

Jusko! Kawawa naman ang mga pelikulang lokal—hindi raw tumuntong sa PHP300,000 ang first day gross ng bawa’t isa.

Ganyan din sa local concerts.

Habang ang U2 concert ay halos sold out na, may isang reunion concert ng isang grupo na halos dalawang tickets pa lang ang nabibili. Afraid talaga!

Continue reading below ↓

Nandiyan pa ang mga repeat ng concerts nina Ogie Alcasid at Richard Poon.

'Tapos, may Ice Seguerra at Noel Cabangon bukas.

May parating na Ian Veneracion at Gerald Santos gigs pa.

Sana’y tangkilikin ito ng mga tao.

Pero itong Lea Salonga Christmas Concert, mereseng PHP17K ang pinakamahal na ticket, balita nami’y mabili at umuusad.

Iba talaga ang birtud nitong si Lea. Lubos na pinagpala!

GORGY RULA:

Nakausap ko si Arnelli Ignacio, nalulungkot siya dahil kaagad na sliding ang Damaso sa ilang sinehan.

Maganda pa naman daw ang feedback sa pelikula, at inaasahan nilang this weekend ay panonoorin ito ng mga estudyante. May endorsement ba ito ng DepEd?

"Paano naman sila makapanood niyan kung anong oras naman ito ipalalabas?" himutok ni Arnell.

Sana ay mapagbigyan pa raw sila ng mga sinehan hanggang sa weekend.

Panlalaki ang Adan, at baka nasa trabaho pa ang mga barako. Kaya hopia at asado pa rin na panonoorin ito sa Sabado at Linggo.

Continue reading below ↓

Naiintindihan natin ang theater owners kung magtatanggal sila ng pelikulang hindi napapanood, pero sana, paabutin daw ng weekend dahil iyan lang ang mga araw na lalabas ang mga tao para manood.

Kaya lang minsan, nakakaabala rin ang traffic, kaya mas gusto nilang sa bahay na lang.

Iyon nga lang, nakakaawa ang mga bagong producers, kagaya nitong sa Damaso na sinugalan ng ilang first-time producers.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Magkano ang box-office results ng Damaso (Arnell Ignacio) at Adan (Cindy Miranda and Rhen Escaño) sa opening day ng mga ito sa sinehan?
PHOTO/S: Screengrab from Damaso / Adan trailer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results