Watch Now

Arnell Ignacio, nakiusap na huwag munang i-pull out sa mga sinehan ang Damaso

by PEP Troika
Nov 22, 2019
Damaso star Arnell Ignacio to theater owners: “Minsan lang naman tayo nagkaroon ng ganitong pelikula na, kumbaga, ang lakas ng loob na tungkol naman sa atin... Minsan lang ito, e, pagbigyan ninyo na kami."
PHOTO/S: Noel Orsal

GORGY RULA

Nakiusap si Arnell Ignacio sa theater owners na huwag munang i-pull out sa mga sinehan ang pelikula niyang Damaso.

Nakausap namin ang actor-TV host at OWWA consultant sa radio program namin sa DZRH nitong November 21, Huwebes.

Nalulungkot siya dahil isang araw pa lang showing ang musical film na ito, naka-sliding na ito sa ilang sinehan.

“Nakalungkot naman, kasi ang lakas din ng loob namin, di ba?

“Nilabanan namin ang Frozen 2, pati ang Ford vs. Ferrari. Mga heavyweight.

"Pero heto kami, kakanta ng Damaso, 'tapos… sila, di ba? Pero aktingan naman talaga ito.

“Nakikiusap naman ako sa ating mga sinehan.

"Kasi, napapanood lang pala siya na hindi pala buong maghapon. Meron palang mga designated hours,” pahayag ni Arnell.

Humingi na rin sila ng endorsement sa DepEd, at inaasahan nilang pananoorin ito ng mga estudyante sa weekend.

Paano pa raw ito mapapanood ng mga estudyante kung unti-unti na silang natatanggalan ng mga sinehan, at ang iba ay sliding pa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Minsan lang naman tayo nagkaroon ng ganitong pelikula na, kumbaga, ang lakas ng loob na tungkol naman sa atin.

“E, tutal naman, forever and ever, puwede na silang kumita nang todo todo.

“Minsan lang ito, e, pagbigyan ninyo na kami.

"Kahit hanggang weekend lang naman, kasi ang dami nang gustong manood. Kaya lang, pag nakita nila, 'Ay, iba pala.'

"E, kung hapon o gabi pa kami mapalabas, hindi na nila hihintayin,” himutok ni Arnell.

Ang dami nang naglabasang press release noon na gagawing Friday ang opening day.

Meron ding agreement daw sa theater owners na huwag galawin ang mga pelikula hanggang Biyernes man lang, pero wala pa rin palang nabago. Ganun pa rin?

Nasaan na yung pinag-usapan noon sa filmmakers at theater owners?

JERRY OLEA

Sana, hinikayat nang husto ng mga taga-Damaso ang moviegoers na panoorin agad-agad ito on its first day.

Sa dinami-dami ng mga artista sa Damaso, sana ay nagpa-block screening sila nang sangkatutak para umariba ito sa unang araw, at hindi mag-sliding o matanggalan ng mga sinehan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung bakit naman kasi nakipagsalpukan ito sa Frozen 2?!

Ang Frozen ang pinakamalakas na pelikula noong 2013, kaya sabik na sabik na ang fans sa sequel nito.

E, ang lakas-lakas ng buzz ng Frozen 2. Ang ganda-ganda ng mga review rito ng mga kritiko, kaya inaasahang bonggang-bongga ito sa takilya worldwide.

NOEL FERRER

Naku, marami pang mga pelikulang hindi umubra sa MMFF na sana ay mas maganda ang sasapitin sa box office sa mga susunod na araw.

Good luck talaga!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Damaso star Arnell Ignacio to theater owners: “Minsan lang naman tayo nagkaroon ng ganitong pelikula na, kumbaga, ang lakas ng loob na tungkol naman sa atin... Minsan lang ito, e, pagbigyan ninyo na kami."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results