Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Mark Neumann, inaming ka-live in na ang kanyang longtime girlfriend

by PEP Troika
Nov 22, 2019
Mark Neumann, desididong pakasalan ang non-showbiz girlfriend na kasama niyang naninirahan sa Batangas.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA:

Apat na taon na ang relasyon ni Mark Neumann at ng “fiancée” niyang Cebuana na si Maffy Villamor.

Nagsasama na sila sa Lemery, Batangas, sa bahay na ipinamana kay Mark ng namayapa niyang lola.

“Sariwa ang hangin doon. Iba ang lamig. Ang kasama lang namin doon ay katiwala,” lahad ni Mark.

Nakausap namin si Mark sa 25th anniversary celebration ng Bioessence nitong Nobyembre 20, Miyerkules ng gabi, sa Cities Events Place, Sgt. Esguerra St., Quezon City.

Aniya, limang oras ang biyahe nila ng kanyang fiancée mula Lemery patungo sa Bioessence party.

Isang taon nang tinatawag ni Mark na fiancée ang kanyang girlfriend kahit hindi pa sila engaged. Hindi pa siya nagpo-propose dito.

“I like to call her that because I’m sure about it,” nakangiting pakli ng binata.

Ayaw niyang sabihin na girlfriend-boyfriend lang ang relasyon nila dahil seryoso siyang pakasalan ito.

Inaayos pa raw ni Mark ang papeles sa civil registry sa Germany kung saan siya ipinanganak para makapagpakasal siya.

Continue reading below ↓

Ten years nang hindi siya bumabalik ng Germany, at kailangang may certificate mula roon na hindi pa siya married.

“We have a lot in common when it comes to hobbies, views in life,” sabi ni Mark.

Pinanood ni Maffy ang Mga Batang Poz kunsaan gumanap si Mark bilang gay at may love scene kasama ang co-star niyang si Raven Molina.

“She cringed a little there!” natawang bulalas ni Mark.

“Siyempre naman. I mean, everyone, when you see your loved one... Parang... Di ba?

“It’ll cringe a little but she was proud of me. Kasi, she praised me for my performance, stuff like that.”

Kapag walang work ang kanyang fiancée, sumasama ito sa kanyang taping.

Nakilala na raw si Maffy ng co-stars niya sa Mga Batang Poz.

May natapos pang action movie si Mark with Lito Lapid. Sa pagkakaalam niya ay Vendetta na ang title nito.

Kuwento pa ng aktor, isang buwan na siyang licensed financial adviser para sa Insular Life.

Continue reading below ↓

Bahagi raw ito ng paghahanda niya para sa future nila ni Maffy.

In-assure ni Mark na hindi niya iiwan ang pag-aartista, pagka’t ito talaga ang passion niya.

GORGY RULA:

Si Mark Neumann ang paborito ni Lorna Tolentino na isa sa judges sa Artista Academy, ang defunct talent search ng TV5. Iyon daw talaga ang artistang-artista ang dating.

Pero bakit ba hindi pa rin umaalagwa ang career ni Mark kahit nasa Kapamilya network na siya?

Napanood ko siya sa Mga Batang Poz, at nag-blend siya sa mga kasamahang artistang nakaka-disappoint ang acting. Sayang ang seryeng iyon.

Baka lalong gumaling si Mark sa pag-arte kapag makaranas siya ng breakup para meron siyang pinaghuhugutan?

NOEL FERRER:

Sana, unahin muna ni Mark Neumann ang paggawa ng pangalan sa career niya para maisakatuparan ang napakalaking potensiyal niya noon.

Sayang kasi.

As I always say, love—if it is true—can always wait!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Neumann, desididong pakasalan ang non-showbiz girlfriend na kasama niyang naninirahan sa Batangas.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results