Kapamilya at Kapuso stars, nag-bonding sa isang bonggang birthday party

by PEP Troika
Nov 25, 2019
Beautederm owner Rhea Tan (middle) with her 40-plus endorsers
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Nag-bonding ang mga Kapamilya at Kapuso sa Rhea Royale, ang 40th birthday celebration ng Beautederm CEO na si Ms. Rhea A. Tan noong Nobyembre 23, Sabado, sa Royce Hotel, Clark Freeport, Pampanga.

Sama-sama ang 40+ Beautederm ambassadors sa holding area sa 2nd floor, kung saan may cocktail, bago rumampa sa pagsisimula ng programa sa grand ballroom.

Nag-duet ang Kapusong si Pauline Mendoza at Kapamilyang si Hashtag Ryle Santiago, ganoon din sina Gabby Concepcion at Lorna Tolentino na inaya pa si Ken Chan na makipag-jam.

Nag-duet din sina Ken at Rita Daniela, bago nagkaroon ng kani-kanyang solo numbers.

Mistulang nag-back-to-back concert sina Zsa Zsa Padilla at Gary Valenciano. Hataw si Mr. Pure Energy!

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Continue reading below ↓

(From L-R) Lorna Tolentino, Gabby Concepcion, Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Ken Chan, and Rita Daniela

Biniru-biro ng host na si Smokey Manaloto si Tonton Gutierrez sa pagiging emotional nito sa performance ni Gary V.

Maski ang ibang celebrities ay luhaan sa makabagbag-damdaming pag-awit ni Gary V, na kapagkuwan ay todo-indak at palakpak sa upbeat numbers nito.

Itinanghal na best dressed celebrities sina Sylvia Sanchez at Tonton Gutierrez. Very James Bond sa Casino Royale ang kanilang dating.

Nagsilbing family affair ang Rhea Royale, kung saan mga anak ang turing ni Ms. Rhea A. Tan sa kanyang endorsers at sellers.

Ang escort ni Lorna Tolentino ay ang anak na si Rap Fernandez.

Ang kasama ni Sylvia sa pagrampa ay ang siyam na taong gulang na bunsong anak.

Continue reading below ↓

(L-R) Sylvia Sanchez and son Xavi, Rap Fernandez and mom Lorna Tolentino, and Ryle Santiago with mom Sherilyn Reyes

Magkasama ang mag-asawang Tonton Gutierrez at Glydel Mercado, mag-asawang Rochelle Barrameda at Jimwell Stevens, magkasintahang Ejay Falcon at Jana Roxas, mag-inang Sherilyn Reyes at Hashtag Ryle Santiago, at mag-iinang Sylvia Sanchez, Arjo Atayde at Ria Atayde—na pawang brand ambassadors ng Beautederm.

In-escort-an si Camille Prats ng mister na si John Yambao.

Kasama ni Carlo Aquino ang kasintahang si Trina Candaza.

Continue reading below ↓

(L-R) Glydel Mercado & Tonton Gutierrez, Trina Candaza & Carlo Aquino, Camille Prats & VJ Yambao

Kabilang pa sa mga namataan namin sa Rhea Royale ang unang ambassador ng Beautederm na si Alma Concepcion, na nagwagi ng bagong kotse sa raffle. Truly, it pays to be loyal.

Naispatan din namin ang latest ambassador ng Beautederm na si Enchong Dee, ang Powerhouse Diva na si Dessa na kumanta ng Beautederm anthem, Jestoni Alarcon, ang comediennes na sina Kitkat at Kakai Bautista, Sanya Lopez, Boobay, Luke Mejares, Ynez Veneracion, Alyanna Asistio, Alynna Velasquez, Darla Sauler, Alex Castro, Migz Magsaysay, Jane Oineza, Maricel Morales, at Shyr Valdez.

Continue reading below ↓

(L-R) Alma Concepcion, Pauline Mendoza & Ryle Santiago, and Kitkat

Lubos ang pasasalamat ni Ogie Diaz sa birthday celebrator, dahil sa walang sawang pagtulong nito sa mga babaeng may kanser sa suso na kinakalinga ng Kasuso Foundation.

Um-attend din si Manay Lolit Solis, na hindi alintana na tinanong pa siya ng isang waitress kung sino siya sa Goju restaurant ng Marriott Hotel.

“Napapagkamalan din akong si Cristy Fermin. OK lang iyon, basta huwag si Inday Badiday,” sambit ni Manay Lolit.

Tumpak na pak, Chuck Gomez!

NOEL FERRER

Grabeng selebrasyon ang naganap para sa Beautederm CEO, na supportive sa industry initiatives.

Sana dumami pa ang kanyang matulungan habang lumalaki ang kanyang business.

GORGY RULA

Dalawang araw ang selebrasyon kung saan taun-taon itong ibinibigay ni Ms. Rhea Tan sa kanyang distributors.

Pinaghahandaan niya talaga ito kung saan mahigit 700 distributors ang dumalo mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa, pati sa Singapore at Amerika.

Continue reading below ↓

Ang pagkakaalam ko, 300 rooms ng Marriott Hotel sa Clark Freeport, Pampanga ang naka-book para sa Beautederm distributors at guests, dagdag pa ang ilang rooms na kinuha sa Royce Hotel.

“Once a year lang naman ito na treat namin sa kanila… sila naman ang dahilan kung bakit lumaki ang Beautederm.”

Sa unang araw na selebrasyon nila nung Biyernes, November 22, nagbigay sila ng awards sa ilang distributors na dinaluhan ni Marian Rivera-Dantes.

Hindi kasi makadalo si Marian sa pangalawang araw dahil 4th birthday celebration iyun ni Zia.

Sa pangalawang araw ng event ay nagbigay ng inspirational talk on beauty ang dating Tacloban Mayor Cristina Gonzales-Romualdez, na sa kabila ng malaking responsibilidad na iniatang sa kanya at ilang mga unos na pinagdaanan ay nanatili pa rin siyang maganda.

Doon ay ini-launch na rin ang men’s products nila gaya ng pomade, shaving cream, deodorant, at marami pa na ine-endorse naman ni Enchong Dee.

Continue reading below ↓

Sabi ni Ms. Rhea, magdadagdag pa siya ng mga kilalang endorsers sa pagpasok ng 2020.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Beautederm owner Rhea Tan (middle) with her 40-plus endorsers
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results