Kitkat, nilinaw na wala silang isyu ng ina ni Kiray Celis

by PEP Troika
Nov 24, 2019
Kitkat (left) claims that it was a former friend who spread the rumor about her and Kiray Celis' (right) mom.
PHOTO/S: @favkitkat / @kiraycelis on Instagram

JERRY OLEA

Inurirat namin si Kitkat sa sinasabing isyu nila ng ina ni Kiray Celis, na kesyo ipinamigay nito ang mga chocolate ng mestisang komedyana sa mga staff ng isang TV show.

“Walang isyu! Two years ago pa iyon!” bulalas ni Kitkat nang makatsikahan namin sa 40th birthday celebration ng Beautederm CEO na si Ms. Rhea Tan nitong nakaraang Sabado ng gabi, Nobyembre 23, sa Royce Hotel, Clark Freeport, Pampanga.

“Walang isyu! May naninira sa akin na dating kaibigan ko, hindi ko na kaibigan.

"Siyempre, may mga... alam mong nangyari iyon, alam ng kaibigan mo, naikuwento mo.

“Pero ginawang worse! Two years ago pa yun.

"Kahit si Kiray, hindi alam iyon dahil kami lang nung nanay niya ang nagkakaintindihan doon, e.

“Dahil totoo naman na kinuha niya sa baunan ko iyong chocolate nang walang paalam. Pero nag-usap kami agad.

“Maayos kami, pati ang pag-uusap na iyon. Kaya walang isyu!” pagdidiin ni Kitkat.

Continue reading below ↓

Hindi raw artista iyong ex-friend ni Kitkat na naninira sa kanya.

Seksing-seksi si Kitkat sa party ng Beautederm, lalo pa’t nagkikislapan ang Swarovski crystal sa kanyang gown. Feel na feel ni Kitkat na tumuwad-tuwad sa pagpapa-picture.

GORGY RULA

So, ang isyu pala iyung paninira ng dating kaibigan?

Lalo pang lumala dahil sa isyu naman sa nanay ni Kiray.

Pero hindi naman nagsasalita si Kiray, kaya siguro tapos na nga iyon.

NOEL FERRER

Ka-cheap-an, di ba?

Buti na rin, case closed na!

Stop na ang battle of the starlets?!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kitkat (left) claims that it was a former friend who spread the rumor about her and Kiray Celis' (right) mom.
PHOTO/S: @favkitkat / @kiraycelis on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results