Sagarang promo nina Bea at Angelica para sa Unbreakable, makatulong humatak kaya sa takilya?

by PEP Troika
Nov 25, 2019
Kumpleto sina Richard Gutierrez, Bea Alonzo, at Angelica Panganiban (left) sa isang mall show sa Quezon City noong November 22. Kahit paos ay nakasama ulit si Bea (right) sa mall show sa Taguig City kahapon, Nobember 24.
PHOTO/S: @starmagicphils Instagram

JERRY OLEA:

Ratsada ng promo tour sina Bea Alonzo, Angelica Panganiban, at Richard Gutierrez para sa pelikulang Unbreakable.

Matapos ang mall show nila noong Nobyembre 22, Biyernes ng hapon, sa SM Fairview, Quezon City, na-overfatigue si Angelica. Naospital.

Paos na si Bea sa guesting nila ni Richard noong Nobyembre 23, Sabado, sa It’s Showtime.

Hindi na nakasama si Bea sa Unbreakable mall show noong Sabado sa Star Mall ng San Jose del Monte, Bulacan (4 P.M.) at SM Valenzuela (6 P.M.).

Ang kasama ni Richard ay ang co-stars na sina Joao Constancia, Anthony Jennings, at PJ Endrinal.

Noong Sunday, Nobyembre 24, nasamahan ulit ni Bea si Richard sa mall shows sa SM Sta. Rosa sa Laguna (2 P.M.), sa SM Bicutan, Parañaque City (4 P.M.), at Vista Mall sa Taguig City (6 P.M.).

Ka-join din dito sina Joao, Anthony, at PJ.

Hopefully ay kumpleto ang cast ng Unbreakable sa premiere night bukas, Martes, sa Cinema 1 ng SM Megamall sa Quezon City.

Continue reading below ↓

Sa Miyerkules, Nobyembre 27, ang opening day ng Unbreakable.

May kani-kanyang pa-block screenings ang friends at supporters ng tatlong bida. Kaya kani-kanya sila ng pagti-theater tour.

“Hanggang December 8, iyong mga kaibigan at supporters ni Richard, may pa-block screening sa iba’t ibang lugar,” sabi ni Jun Lalin, official publicist ng Gutierrez family, nang makausap namin nitong Nobyembre 25, Lunes ng hapon.

“Meron sa Trinoma, Powerplant Mall sa Rockwell, SM Megamall, The Podium, at S Maison sa Conrad Manila.

“On opening day, sa Podium pa lang ay apat na ang block screenings, ha?!”

Kasado na ang international screenings ng Unbreakable sa Disyembre 5 (Middle East, Papua New Guinea), Disyembre 6 (USA, Canada, Saipan, United Kingdom, Guam), Disyembre 7 (Dublin sa Ireland), Disyembre 8 (Austria, Milan at Rome sa Italy, Madrid sa Spain), Disyembre 12 (Brunei, Australia, New Zealand), Disyembre 13 (Singapore), at Disyembre 15 (Florence sa Italy).

NOEL FERRER:

Nami-miss ko na si Classmate Bea sa Ricky Lee Scriptwriting Workshop.

Continue reading below ↓

Ibang-iba pa rin itong materyal na ito sa isinusulat niya at ang mga pelikulang gusto niyang gawin in the future.

In fairness kay Bea, alam niya na kailangan niyang gumawa ng studio films that would maintain her box-office stature, pero may hinagap na siyang gumawa rin ng mga pelikulang pang-kaluluwa.

At habang abala rin si Bea sa bagong café franchise niya sa Quezon City, nakikita kong kaya niyang magsulat, magdirek, at mag-produce ng sarili niyang pelikula sa tamang panahon!

GORGY RULA:

Sana ma-break ng Unbreakable ang nakamamanghang box-office performance ng Frozen 2.

Naloloka ang karamihan na kumikita ng ganun kalakas ang isang animated film.

Noong nakaraang Sabado, November 23, ay naka-PHP113.5M.

Kahapon naman, November 24, naka-PHP113.3 ito.

Ayon sa aming source, as of Sunday pa lang ay naka-PHP313M na ang Frozen 2.

Kaya subukan ninyong umikut-ikot sa ilang malls, ito lang ang pinapalabas sa mga sinehan.

Ang suwerte mo na kapag may makita kang isang sinehan sa SM cinemas na nagpapalabas ng Pinoy films na Adan at Damaso.

Continue reading below ↓

Kaya pagpasok ng Unbreakable, The Heiress, at Kings of Reality Shows, mababawasan na ng sinehan ang Frozen 2.

Pero puwedeng maibalik pa ang Frozen 2 kung may kahinaan ang ilan sa mga pelikulang ipalalabas sa Miyerkules.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kumpleto sina Richard Gutierrez, Bea Alonzo, at Angelica Panganiban (left) sa isang mall show sa Quezon City noong November 22. Kahit paos ay nakasama ulit si Bea (right) sa mall show sa Taguig City kahapon, Nobember 24.
PHOTO/S: @starmagicphils Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results