Naiibang mga kuwento sa KMJS, nilampaso ang Eerie; MMK lamang sa ratings laban sa Magpakailanman

by PEP Troika
Nov 25, 2019
Ang babaeng nadiskaril (leftmost) ang pagpaparetoke at babaeng taga-Camsur na ikinulong sa loob ng walang taon (second from left) ang ilan sa mga kuwentong ipinalabas sa KMJS noong November 24. Pinagbidahan naman nina Maymay Entrata at Edward Barber (rightmost) ang trending love story nina Max at Gab (third from left) sa MMK noong November 23.
PHOTO/S: Screengrab from KMJS / MMK Facebook

JERRY OLEA:

Number one muli ang ABS-CBN reality show na Your Moment sa national TV ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media noong Nobyembre 23, Sabado.

Naka-22.6% ang Your Moment, kontra sa 14% ng GMA-7 blocktimer na Daddy’s Gurl.

Pumangalawa ang “Sunflower” episode nina Maymay Entrata at Edward Barber sa Maalaala Mo Kaya (MMK).

Naka-21.5% ang MMK ng ABS-CBN, kontra sa 13.7% ng Magpakailanman episode ni Glaiza de Castro sa GMA-7.

Naka-21.4% ang Kapamilya sitcom na Home Sweetie Home Extra Sweet, kontra sa 16.3% ng Kapuso reality show na The Clash.

At naka-20.9% ang TV Patrol Weekend, kontra sa 16.7% ng Pepito Manaloto Ang Tunay Na Kuwento.

Noong Nobyembre 24, Linggo, umarangkada muli ang Kapuso Mo, Jessica Soho.

Naka-7.6% lamang ang Eerie ng Kapamilya Super Blockbusters, kontra sa 26.4% ng KMJS. Daig na daig!

Naka-25.9% ang Parasite Island, kumpara sa 16.3% ng Daig Kayo Ng Lola Ko.

Naka-22.9% ang Your Moment, kontra sa 18% ng The Clash.

Naka-21.4% ang Rated K Handa Na Ba Kayo, kontra sa 16.5% ng Amazing Earth: Nature’s Microworlds.

Naka-11.7% ang ASAP Natin ‘To, kontra sa 9.2% ng Sunday PinaSaya.

Kabog na naman ang Sunday night program ni Vice Ganda.

Naka-5.2% lamang ang Gandang Gabi, Vice, kontra sa 7% ng The Boobay And Tekla Show.

Continue reading below ↓

GORGY RULA:

Ayon naman sa AGB NUTAM, wagi ang The Clash noong Linggo, November 24.

Naka-10.6% ang The Clash, at 9.7% lang ang Your Moment.

Pero noong Sabado, November 23, lumamang ang Home Sweetie Home na 9.2%, at 8.9% naman ang The Clash.

Mataas din ang Your Moment nung gabing iyon na nakakuha ng 10.4%, at 8.7% lamang ang Daddy’s Gurl.

Isang porsiyento lang ang inilamang ng MMK na naka-10%, na MayWard pa naman ang bida.

Ang Magpakailanman tampok sina Glaiza de Castro at Snooky Serna ay nakakuha ng 9% sa TV ratings.

Matitindi ang mga nai-feature sa Kapuso Mo Jessica Soho na nagdiriwang ng 15th anniversary.

Sa survey ng AGB NUTAM, naka-16.8% ang KMJS, at 3.6% lamang ang Super Blockbusters.

Kahit may Bea Alonzo at Angelica Panganiban ang Gandang Gabi Vice, na-lotlot pa rin ito ng The Boobay and Tekla Show na nagtampok sa K-pop idols.

Naka-4.4% ang TBATS, at 3% lamang ang GGV.

NOEL FERRER

Continue reading below ↓

Congratulations sa TV shows na matataas ang rating.

Kailangan bang maalarma ang GGV sa fluctuating ratings?

Baka naman hindi. Mas kikita yata kasi ang pelikula ni Vice than Boobay and Tekla, kaya OK lang...

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang babaeng nadiskaril (leftmost) ang pagpaparetoke at babaeng taga-Camsur na ikinulong sa loob ng walang taon (second from left) ang ilan sa mga kuwentong ipinalabas sa KMJS noong November 24. Pinagbidahan naman nina Maymay Entrata at Edward Barber (rightmost) ang trending love story nina Max at Gab (third from left) sa MMK noong November 23.
PHOTO/S: Screengrab from KMJS / MMK Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results