Juancho Trivino, itinangging nag-attitude siya sa set ng Madrasta

by PEP Troika
Nov 26, 2019
Juancho Trivino on showbiz intrigues: “Hindi natin maiiwasan yun, e. I subjected myself into… you know, the public eye. Hindi natin maiiwasan na siyempre, mapagkuwentuhan tayo, and not everyone will understand."
PHOTO/S: Noel Orsal

GORGY RULA

Nakorner ng PEP Troika si Juancho Trivino sa mediacon ng Unang Hirit, na nagdiriwang ng kanilang 20th anniversary, ngayong Martes, November 26.

Ramdam naming umiiwas na siyang magpa-interview para hindi na siguro mapag-usapan ang kumalat na intrigang nag-attitude siya sa set ng Madrasta.

Meron pang insidenteng nagkainitan daw sila ni Direk Monti Parungao, pero itinanggi ito ni Juancho.

Sabi lang niya, “Hindi totoo yun. Huwag kayo maniwala doon.

“It blew out of proportion na kuwento ni ganyan, kuwento ni ganyan.

"But that’s not true."

Kahit sa mga staff at co-stars nito sa Madrasta ay hindi raw nila ito gaanong pinag-uusapan na.

“It’s irrelevant issue. Hindi naman big deal sa amin, lalo na sa mga people involved.

“Wala naman akong masasabi na beyond that.

“Kung ano yung pinag-usapan, it’s not true. Masyadong pinalaki lang,” diretso niyang pahayag.

Hindi raw siya apektado sa ganoong intriga, lalo na’t maayos daw ang trabaho nila sa Madrasta.

Continue reading below ↓

“Hindi natin maiiwasan yun, e.

“I subjected myself into… you know, the public eye.

"Hindi natin maiiwasan na siyempre, mapagkuwentuhan tayo, and not everyone will understand,” saad ni Juancho.

Kahit sa Unang Hirit ay maayos daw ang kanilang samahan at close sila sa isa’t isa.

Bahagi pala ng selebrasyon ng 20th anniversary ng Unang Hirit, araw-araw ay may special episode sila para sa kanilang loyal viewers kung saan magwawagi ng mga premyo.

Meron pang lucky loyal viewer na magwawagi ng bagong house and lot.

Hanggang December 6 itong mga sorpresa sa loyal UH viewers.

NOEL FERRER

Happy Anniversary, Unang Hirit!

Kinukuha ang talent kong si Ryan Agoncillo na mag-guest co-host sa anniversary nila, pero inaayos ang sked dahil sa remote Eat Bulaga! location kasi siya naka-assign. Depende kung saan siya se-segue if ever.

Mula sa mga tipo nina Ryan Agoncillo at Drew Arellano—na magkasama ngayon sa grupo nilang Brappacks (isang barkadang nagsimula sa pagbi-bike pati na ang asawa ni Suzi na si Paolo Abrera, atbp)—si Juancho na ba ang susunod sa yapak ng dalawang kilalang host-celebrity dads?

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Mukhang ang susunod nating mababalitaan ay kung kailan na ang kasalang Juancho Trivino at Joyce Pring.

Kinumpirma sa amin ni Arnold Clavio na engaged na ang dalawa at malamang isa siya sa magni-ninong.

Hindi lang niya masabi sa amin ang detalye ng kasalan.

Sabi lang ni Igan, “Ang sarap na nabubuo yung ganung pag-ibig na sa Unang Hirit.

“Nakita ko yung sinseridad ni Juancho.

"Minsan, may personal din kaming usapan ni Joyce. Humihingi rin ng payo. Naging maganda naman ang resulta.

“Sabi ko nga, naging bahagi ako ng relasyon na yun na umusbong talaga. Hindi pinilit, e.”

Natutuwa raw siya dahil doon daw niya napatunayan kung gaano kamahal ni Juancho si Joyce.

“Si Juancho, matagal na pala niyang crush. Naging daan lang yung Unang Hirit para yung mga ginagawa niyang sorpresa.

“Sabi ko nga kay Juancho, 'Hindi ko kayang gumigising ka sa umaga, susunduin mo sa airport, pupunta kayo ng Unang Hirit. O kaya wala kang assignment sa Unang Hirit, dadalawin mo sa set.'

Continue reading below ↓

“Matagal din niyang niligawan si Joyce, and pareho silang masuwerte sa isa’t isa,” masayang pahayag ni Igan.

JERRY OLEA

Kapag kinuhang ninong si Direk Monti sa kasal nina Juancho at Joyce, patunay iyon na walang anumang gusot o ill feeling sa pagitan nina Juancho at Monti.

Kukunin kayang ninang si Gladys Reyes na mother dear ni Juancho sa Madrasta?

Wagas ang pagtatanggol ni Gladys kay Juancho, huh?!

Abangan natin ang mga susunod na kabanata!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Juancho Trivino on showbiz intrigues: “Hindi natin maiiwasan yun, e. I subjected myself into… you know, the public eye. Hindi natin maiiwasan na siyempre, mapagkuwentuhan tayo, and not everyone will understand."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results