MMFF 2019 Parade of Stars, sisimulan ni Vic Sotto at tatapusin ni Vice Ganda

by PEP Troika
Nov 27, 2019
The MMFF 2019 entries are Mission Unstapabol: The Don Identity, Culion, Write About Love, 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon. Miracle Cell No.7, Sundo, Mindanao, at M&M: The Mall, The Merrier.

NOEL FERRER

Pinakamahaba ngunit pinakamasayang parada ang ini-expect ng Metro Manila Film Festival (MMFF) Execom sa 45th Parade of Stars, na iikot sa mga lugar sa Taguig na host city ngayong ipinagdiriwang ang ika-100 Taon ng Pelikulang Pilipino.

Nagkabunutan na rin sa sequence ng parada at exciting dahil halos hindi bibitaw ang audience sa pabonggahan ng floats at stars.

Mauuna ang float nina Vic Sotto at Maine Mendoza sa Mission Unstapabol: The Don Identity, na susundan ng monumental float ng Culion with Iza Calzado, Meryll Soriano, Jasmine Curtis-Smith, Joem Bascon, at Mike Liwag.

Pangatlo ang seemingly bagets entry na Write About Love nina Miles Ocampo, Rocco Nacino, Yeng Constantino, at Joem Bascon.

At least, kung magpalipat-lipat man ng float si Joem, magkasunod lang ang dalawa niyang pelikula.

Nasa gitna ang entry ni Coco Martin na 3pol Trobol: Huli Ka Balbon kasama sina Jennylyn Mercado at Ai-Ai de las Alas.

Nagtataka lang at napansin ng katabi ko sa Execom meeting na nagpalit ng poster lay-out sa bago nilang tarp sa mall show at ginawa nang above the title ang mga pangalan nina Tirso Cruz III, Edu Manzano, at Sam Milby.

Continue reading below ↓

Samantalang ang dati nilang kalinya sa ibaba na si Rowell Santiago ay naiwan doon. Anyare kaya?

After Coco’s entry comes Aga Muhlach’s float ng Miracle In Cell No. 7 with Bela Padilla and an all-star cast.

They will be followed by Carmina Villarroel’s Sunod with Mylene Dizon.

Then of course, Judy Ann Santos’s Mindanao with Allen Dizon is seventh in line.

At ang nakabunot ng last float sa parada ay walang iba kundi ang entry nina Vice Ganda and Anne Curtis na M&M: The Mall, The Merrier na tiyak kahit nasa dulo ay aabangan pa rin ng madla.

December 22, Linggo, ang parada kaya handa ang buong puwersa ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at MMFF sa magaganap, lalo na sa security at traffic advisories sa araw na iyon!

JERRY OLEA:

Hindi pa man sumasapit ang Araw ni Bonifacio, ramdam na natin ang mga magaganap na pasiklab at payanig sa 45th MMFF.

Continue reading below ↓

Noong Sunday night, nag-Chugug sa Bohol sina Vice Ganda at Ion Perez alang-alang sa M&M: The Mall, The Merrier.

Pinag-uusapan ang poster ng Mission Unstapabol: The Don Identity. Ang liit daw ng litrato ni Maine Mendoza?!

Matunog na magbe-best actor si Aga Muhlach para sa Miracle in Cell No. 7.

Agresibo sa promo ang Team Write About Love, ang bukod-tanging romcom sa MMFF this year.

Nag-iisang horror naman ang Sunod ni Carmina Villarroel.

Hari ng Telebisyon si Coco Martin, kaya event para sa atin ang 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon.

Nagpapakitang-gilas sa international film festivals ang Mindanao. Nawa’y tangkilikin ito ng Pinoy moviegoers.

Ang direktor ng Culion na si Alvin Yapan, magkakamit ba ng redemption sa MMFF?

GORGY RULA

Bubuksan at isasara ang parada ng dalawang naghahari sa Metro Manila Film Festival. Ang saya!

Ngayon pa lang ay kakaririn na raw ng Mindanao ang kanilang float na Muslim-inspired siyempre.

Maraming puwedeng gawin para mas colorful itong tingnan.

Continue reading below ↓

Kaya lang, may mga lugar sa Taguig na may pagka-sosyalin. Sana tauhin pa rin ang parada.

Pagdating sa poster ng Don Identity nina Bossing Vic ar Maine, napansin kong wala roon ang pangalan nina Tonton Gutierrez at Mayor Lani Mercado.

Ang pagkakaalam ko, sila ang gumaganap na mga magulang ni Maine.

Tinanong ko si Manay Lolit, sinabi raw niyang "special participation" sila sa billing. Pero hindi na sila inilagay.

Okay lang yun, sabi ni Manay Lolit, kesa naman hindi niya magustuhan ang pagkakalagay ng kanilang pangalan.

Ang mahalaga, suportado nila ang pelikula nina Bossing Vic at Maine.

Nagtataka lang ako sa ibang fans ni Maine, pati sa poster ay may hanash sila.

Hindi sila masaya na mas maliit ang litrato ni Maine kesa kay Bossing Vic.

Pati ba naman yun?

Pero ewan ko lang kung talagang loyal fans ba sila ni Maine o nanggugulo lang, na pati ang poster nito ay nini-nega nila.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The MMFF 2019 entries are Mission Unstapabol: The Don Identity, Culion, Write About Love, 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon. Miracle Cell No.7, Sundo, Mindanao, at M&M: The Mall, The Merrier.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results