Unbreakable at The Heiress, mapahupa kaya ang lakas ng Frozen 2 sa takilya?

by PEP Troika
Nov 27, 2019

JERRY OLEA

Bakit may magical powers si Elsa? Bakit walang magical powers si Anna? Saan papunta ang mga magulang nila nang lumubog ang barkong lulan ang mga ito?

Naiwan ang mga tanong na ito sa computer-animated musical fantasy film na Frozen noong 2013, at nasagot sa Frozen 2 this year.

Opo, wala pa ring love interest si Elsa sa Frozen 2.

Bahagi pa rin ng movie sina King Agnarr at Queen Iduna, ang parents nina Elsa at Anna.

Ang Frozen sequel ang may pinakamalakas na worldwide opening para sa isang animated film — $358.5M.

Malaki ang lamang nito sa worldwide opening gross ng The Lion King ($245.9M) at Toy Story 4 ($244.5M) na this year din ipinalabas.

Ang tatlong pelikulang iyan ang pinakamalakas ang global launch sa hanay ng animated films.

Ang opening weekend gross (Nobyembre 22-24) ng Frozen 2 sa North America ay $130.3M.

Sa international market ay humamig agad ito ng $228.2M.

Continue reading below ↓

No. 1 ang Frozen 2 sa lahat ng bansa na nag-open ito, kabilang ang China, Korea, Japan, UK, Germany, France, Mexico, Indonesia, Philippines, at Spain.

Nakipagsalpukan last week sa Frozen 2 ang Pinoy films na Adan at Damaso.

Ngayong Nobyembre 27, Miyerkules, palabas na sa mga sinehan ng bansa ang Pinoy films na Unbreakable, The Heiress, at Kings of Reality Shows, maging ang foreign films na Knives Out, Last Christmas, The Good Liar, at Dark Waters.

NOEL FERRER

Araw ng panghuhusga ngayon sa Unbreakable at The Heiress, two films intended sana for the Metro Manila Film Festival, now trying to win as many audiences in a stand alone playdate. Sana, mas makabuti ito sa kanila.

Maraming bad reviews sa kasabayang pelikulang Last Christmas na nag-advance preview na.

Sana, pumabor iyon sa mga pelikulang lokal.

GORGY RULA

Sa premiere nga ng The Heiress sa SM Megamall kagabi, November 26, tinanong sa akin ni Mother Lily kung ano ba yung Frozen, bakit daw ang lakas-lakas.

Continue reading below ↓

Sino raw ba ang mga artista riyan?

Napamura tuloy si Mother Lily nang sinabi naming animation lang yun.

Pero ipinaliwanag namin sa kanyang malakas talaga ang part one nito. Kaya inaasahan na ang lakas ng sequel nito.

Kaya medyo kabado rin sila dahil tatanggalan ngayon ng sinehan ang Frozen 2 para ibigay sa mga bagong pelikulang ipalalabas ngayong araw.

Kailangang magpakita na ng lakas sa unang araw ng showing dahil kung hindi, malamang na ibabalik agad ang mga sinehan sa pelikula nina Elsa at Anna.

May ilang nagtanong sa amin kung alin kaya ang mas magpapakita agad ng lakas sa takilya, ang Unbreakable o ang The Heiress?

Siyempre, given na yung hindi na makikipaglaban diyan ang pelikula nina Ariel and Maverick.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results