Julia Barretto, tatapatan ni Hipon Girl sa labanan ng drama anthologies

by PEP Troika
Nov 27, 2019
Julia Barretto (kaliwa), gaganap bilang manic-depressive teenager sa MMK; Hipon Girl, bibida sa unang pagkakataon sa Magpakailanman.
PHOTO/S: ABS-CBN / GMA-7

JERRY OLEA

Mga Kapuso! Abangan ang first-ever acting project ni Herlene "Hipon Girl" Budol.

Ngayong Sabado na 'yan sa Magpakailanman ng GMA 7.

Mag-wowoWIN kaya ito sa ratings?

Mga Kapamilya! Abangan ang makabagbag-damdaming pagganap ni Julia Barretto bilang isang manic-depressive.

Ngayong Sabado night na po iyan sa Maalaala Mo Kaya, pagkatapos ng Your Moment sa ABS-CBN.

Kasama ni Julia sa episode na ito si Jameson Blake. Kaya nagbubunyi ang Team JameLia.

Panonoorin kaya ito ng mga tiya ni Julia na sina Gretchen at Claudine Barretto?

NOEL FERRER

I always say that the best weapon is always a good work.

Sana, ginalingan talaga ni Julia ang pagganap niya sa MMK episode niya, para kahit na anong intriga ang hinaharap niya, nananatili ang kanyang kahusayan at sana, kabutihan sa kanyang trabaho!

GORGY RULA

Bentang-benta sa masa si ‘Hipon Girl’ lalo na sa fans ng Wowowin.

Pero marami na rin ang nag-aabang na bumalik sa pag-arte si Julia Barretto kaya tingnan natin. Hindi nakakagulat kung mas mataas ang rating ng MMK sa Magpakailanman.

Continue reading below ↓

Pero kung konti lang ang lamang sa rating, hindi iyan dapat ikatuwa nang husto ng kampo ni Julia.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Barretto (kaliwa), gaganap bilang manic-depressive teenager sa MMK; Hipon Girl, bibida sa unang pagkakataon sa Magpakailanman.
PHOTO/S: ABS-CBN / GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results