ABS-CBN vs GMA-7 Christmas Station ID, alin ang mas tagos sa puso?

by PEP Troika
Nov 27, 2019
Kapamilya at Kapuso stars na missing in action sa Christmas Station ID, napansin niyo ba? Seen in photo are Kapamilya star Kim Chiu and Kapuso actor Alden Richards.
PHOTO/S: ABS-CBN / GMA-7

JERRY OLEA:

Nobyembre 10 inilabas ng Kapuso Network ang 2019 Christmas Station ID nilang "Love Shines" (8:01 ang running time).

As of November 27, Miyerkules, naka-1.2M views na ito sa YouTube.

Nasa YouTube channel ito na GMA Network, na may 13M subscribers.

Nobyembre 18 ini-release ng Kapamilya Network ang 2019 Christmas Station ID nilang "Family Is Forever" (12:44), na naka-3.4M views na sa YouTube.

Ini-release din nila ang lyric video (7:35), kung saan bidang-bida ang The Voice Kids coaches na sina Sarah Geronimo, Bamboo, at Lea Salonga. Naroon din ang The Voice Kids finalists. Naka-2.1M views na ito sa YT.

Ang mga ito ay nasa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment, na may 23.2M subscribers.

Ang bagong station ID ng ABS-CBN ay medley ng Christmas songs na "Thank You for the Love," "Just Love Ngayong Pasko," "Family is Love," at "Bro, Ikaw Ang Star ng Pasko."

Ipinagdiriwang ng "Family Is Love" ang wagas na pagmamahal ng mga Pilipino sa kanilang pamilya.

Continue reading below ↓

Humahaplos sa puso ang clips sa "Family Is Forever."

Ang Noblezeda “Keribels” family mula Iloilo, masaya ang disposisyon sa kabila ng mga hirap ng buhay.

Si Marielle Hernali, survivor ng typhoon Yolanda sa Tacloban, nagtapos na valedictorian.

Si Arnel Aba, one-legged swimmer, nagwagi ng gintong medalya sa ASEAN ParaGames.

Ang estudyante mula sa Abra na si Jan Aure Gascon, ang pangarap lamang ay magkaroon ng sariling lapis.

Ang shadow dancing group ng Batangas na El Gamma Penumbra, nagkampeon sa Asia’s Got Talent.

Ang magkakapatid na Garcia ng Pangasinan, mga sundalo. Na tila nagsasabing katumbas ng pagmamahal sa pamilya ang pagmamahal sa bansa.

NOEL FERRER:

Kung dati, super excited pa kami sa Station IDs, ngayon ay parang dumaraan na lang iyan.

Mismong ang ibang network stars ay hindi na rin nag-aabala at nagpapa-big deal sa mga ganitong Station IDs.

Hindi ba’t sa Kapamilya network, wala sa Station ID sina Angel Locsin at Sharon Cuneta?

Continue reading below ↓

Sa Kapuso naman, marami pero kulang sa kinang ang kanilang stars.

Pero hindi na ito ang sukatan ng pagiging panalo sa puso at diwa ng manonood na Pilipino. Kakaunti na lang talaga silang may sariling kinang.

Pero of course, ang centerpiece ng Pasko ay ang Idol nating lahat, the reason for the Season—hindi tao, hindi bagay, kundi ang Diyos! At hindi ang nagdidiyus-diyosan!

GORGY RULA:

Mas gusto ko ang Christmas station ID ngayon ng GMA Network.

Simple lang, saka gusto ko ang Christmas song nito.

Okey rin at talagang pinag-isipan ang sa ABS-CBN.

Ini-expect kong lalong gagandahan ng Kapamilya network ang station ID nila next year dahil naayos na siguro niyan ang renewal nila.

Sana talaga.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya at Kapuso stars na missing in action sa Christmas Station ID, napansin niyo ba? Seen in photo are Kapamilya star Kim Chiu and Kapuso actor Alden Richards.
PHOTO/S: ABS-CBN / GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results