Alden Richards at Maine Mendoza, tamang panahon na ba para muling magtambal sa teleserye?

by PEP Troika
Nov 28, 2019
Base sa resulta ng latest solo projects nina Alden Richards at Maine Mendoza, hindi kaya ito na ang tamang panahon para muling pagtambalin ang phenomenal love team?
PHOTO/S: Noel Orsal

JERRY OLEA

Ika-228 weeksary ng AlDub ngayong Nobyembre 28, Huwebes.

May mga nagtu-tweet pa rin tungkol sa tandem nina Alden at Yaya Dub, pero hindi na ganoon ka-trending.

Noong Mayo 26, 2017 pa nagwakas ang primetime series nina Alden Richards at Maine Mendoza na Destined To Be Yours.

Sabi-sabi noon, tinapos agad iyon dahil may itinadhanang bagong movie para sa dalawa. Anong petsa na?!

“Pinatay” ng kinauukulan ang love team nina Alden at Maine.

Ayan at pinakamalakas na pelikulang Pilipino sa kasaysayan (hindi adjusted sa inflation) ng local movies ang Hello, Love, Goodbye kung saan katambal ni Alden si Kathryn Bernardo.

Ibig sabihin, hindi kailagan ni Alden si Maine?!

Pero ang solo primetime series ni Alden na The Gift ay nahihirapang umariba sa ratings. Hindi ito makaporma sa Starla ni Judy Ann Santos.

Mas umaarangkada ang One of the Baes nina Ken Chan at Rita Daniela.

Andaming umangal at umatungal nang lumutang ang posibilidad o probability na mag-guest si Senator Bong Revilla sa The Gift.

Continue reading below ↓

Hindi kaya narito na ang senyales na tamang panahon na para magsama muli sina Alden at Maine sa prime time?

So-so lang ang pelikula ni Maine with Carlo Aquino na Isa Pa, With Feelings.

Dalangin ko na mag-guest si Maine sa The Gift.

Magandang Christmas gift iyan para sa mga Kapuso!

NOEL FERRER

Ano ang laging sinasabi ng AlDub tandem? Sa tamang panahon.

Marahil, 2019 is the year of weaning. Of being apart.

Ngayong nasubukan na nilang maipares sa iba o magkaroon ng projects na mag-isa, hindi ba’t mas nagiging matamis ang pagbabalik tambalan kung may pananabik at may pagka-miss?!

Sa tamang panahon. Let the aurhenticity of the people and the moments prevail.

Looking forward tayo riyan!!!

GORGY RULA

Marami nang nabago sa tambalang ito, pati sa avid fans nila.

Ang ilang fans na dati’y wiling makipagpatayan para maipagtanggol lang sina Alden at Maine, ngayon ay namba-bash na sa kanila.

Continue reading below ↓

Sobrang nega na ang iba at hindi na nakatutulong sa dalawa.

Nababanggit pa ni Alden noong nakaraang taon ang posibilidad na pagsasama nila uli ni Maine sa isang pelikula, ngayon ay wala na tayong naririnig kung itutuloy pa ba.

Ang huling nakitang nakisaya silang dalawa sa fans ay noong mag-Eat Bulaga sila sa Dubai.

Sana, subukang magsama sila uli sa isang project para mapatunayang may lakas pa rin ang AlDub Nation.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Base sa resulta ng latest solo projects nina Alden Richards at Maine Mendoza, hindi kaya ito na ang tamang panahon para muling pagtambalin ang phenomenal love team?
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results