Unbreakable, pinakamalakas na Pinoy film na ipinalabas ngayong November

by PEP Troika
Nov 28, 2019
Naka-P9.7M ang pelikulang Unbreakable nang mag-open sa mahigit 200 sinehan nitong Nobyembre 27, Miyerkules. Bida sa pelikula sina Bea Alonzo, Richard Gutierrez, at Angelica Panganiban.
PHOTO/S: Noel Orsal

JERRY OLEA

Naka-P9.7M ang pelikulang Unbreakable nang mag-open sa mahigit 200 sinehan nitong Nobyembre 27, Miyerkules.

Sa 18 Pinoy films na nagbukas ngayong Nobyembre, ito ang pinakamalakas na opening day gross—as expected.

Ngayong Huwebes, umabot na sa 220 ang mga sinehan ng Unbreakable. Malamang na madagdagan pa iyan sa weekend, habang nababawasan ng sinehan ang ibang movies—lokal man o banyaga—na itinatanghal.

Magkakahiwalay na block screening ang sinadya ng tatlong bida ng pelikula na sina Angelica Panganiban, Bea Alonzo, at Richard Gutierrez. Kani-kanya ng pa-block screenings ang kanilang fans at supporters.

Na-tweet ng Star Cinema ang pa-block screening ng CarGel Fabulous para kay Angelica. (CarGel?! Car stands for Carlo Aquino, di ba?!)

Pinuntahan din ni Angelica ang pa-block screening ng Team Angels at Angelix sa The Fisher Mall, pati iyong in-organize ng Angel atics sa The Gateway Mall.

Si Bea, nagtungo sa pa-block screening ng Bealan Official sa Director’s Club ng SM Megamall, pati iyong in-organize ng BeyAngels sa VIP Cinema ng The Fisher Mall.

Continue reading below ↓

Si Richard, siyam na block screening ang binisita. Tatlo agad sa Trinoma. Kasunod ang apat na block screening sa The Podium, kung saan namataan namin ang kanyang mga kapamilya at malalapit na kaibigan.

Mabuti at nakabawi ng lakas ang tatlong bida ng Unbreakable.

Matapos kasi ang mall show nilang noong Nobyembre 22, Biyernes sa SM Fairview, naospital si Angelica, napaos nang husto si Bea, at muntik na ring magkasakit si Richard.

“Kaya nga, e. Talagang itinodo namin ang shooting, e,” napapangiting sambit ni Richard nang makausap namin noong Wednesday night sa The Podium.

“At iyong dalawa, iyong last day of shoot kasi nila, mabibigat na eksena, e. Doon na nagsimula ang pagkawala ng boses ni Bea. Tapos, nagkasakit si Angelica.

“OK na rin na hindi na nila pinilit mag-mall tour. Nagpahinga sila, para maka-recover sila. At least, kagabi, sa premiere night, naka-attend sila pareho.”

Inurirat ng katotong Vinia Vivar si Richard para i-rate ang akting nina Bea at Angelica, from 1 to 10.

Continue reading below ↓

“Pareho silang magaling! Pareho silang 10 para sa akin,” mabilis na tugon ni Richard.

“Pero may kani-kanyang style sila. Sabi ko nga kagabi sa kausap ko, kunwari, award-giving body ako, pipili ako ng best actress sa dalawa.... hindi ko alam kung sino ang pipiliin ko, e.

“Pareho silang mahusay. Pag napanood ninyo ‘yung movie, pareho silang may moments na nagsa-shine sila pareho.

“Magkaiba iyong style nila pero parehong magaling talaga.”

NOEL FERRER

Congratulations to Team Unbreakable, especially to Classmate Bea Alonzo, and good friends Angelica Panganiban and Richard Gutierrez and, of course, Direk Mae Cruz-Alviar.

Balita naman namin, naka-almost P1.3M sa opening day ang The Heiress.

As we always say, may time pang panoorin itong mga pelikulang lokal sa mga sinehan the coming days.

Teka, anyare sa movie nina Ariel at Maverick with Mommy Elvie?

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naka-P9.7M ang pelikulang Unbreakable nang mag-open sa mahigit 200 sinehan nitong Nobyembre 27, Miyerkules. Bida sa pelikula sina Bea Alonzo, Richard Gutierrez, at Angelica Panganiban.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results