37th Luna Awards at SEA Games 2019, sabay ang mga pasiklab sa Bonifacio Day

by PEP Troika
Nov 29, 2019
37th Luna Awards best supporting actor nominee Epy Quizon is flanked by Film Academy of the Philippines director-general Vivian Velez and Film Development Council of The Philippines chair Liza Dino. Seen on the right photo is the logo of SEA GAMES 2019 with Philippines as the host country.
PHOTO/S: Noel Orsal / SEA GAMES 2019 Facebook

JERRY OLEA:

Bukas, Nobyembre 30, Sabado ay national holiday—Bonifacio Day.

Sa araw na ito rin ang opening parade ng 30th Southeast Asian (SEA) Games sa Philippine Arena, Bocaue, Bulacan.

At sa gabi ng Nobyembre 30 ang 37th Luna Awards sa Maybank Performing Arts Theater, Bonifacio Global City (BGC), Taguig City.

May livestream ito sa Facebook page ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) umpisa sa red-carpet ceremonies ng 5:30 p.m.

With Jon Santos as master of ceremonies, asahan ang mga bonggang paandar at pasiklab.

Aba! Bonggang-bongga ang payanig ni Jon Santos bilang Darna sa 2019 Pinoy Playlist music fest last October sa BGC Arts Center, huh?!

Kabilang sa performers ng 37th Luna Awards ang The Company, Frenchie Dy, Gian Magdangal, Sheila Valderrama-Martinez, Lara Maigue, at ang Dance Royalties na choreographed ni Dan Cabrera.

May musical tribute para sa mga FAP Luna Awards Hall of Famer na sina Willy Cruz at George Canseco.

Continue reading below ↓

Meron ding Sine Sandaan segment tungkol sa pagdiriwang ng Isang Daang Taon ng Pelikulang Pilipino.

Magdaragdag ng star power ang mga nominado at mga presenter katulad nina FAP Luna Awards Hall of Famer Joel Lamangan, Jose Javier Reyes, Bembol Roco, Ricky Davao, Cherie Gil, Snooky Serna, Liza Lorena, Yayo Aguila, at Tommy Abuel,

Kabilang din sina Raymond Bagatsing, Raquel Villavicencio, Roy Iglesias, Romy Vitug, Lee Briones-Meily, Marissa Floirendo, Edgar Martin Littaua, Manet Dayrit, Jess Navarro, Jesse Lucas, at Ditoy Aguila.

Ayon kay FDCP Chairperson and CEO Liza Diño, "This year's Luna Awards is going to be very distinctive because it is going to be anchored on another meaning of what Luna represents.

"This year, we explore Luna as the moon, as beautiful as it is with its different phases—much like the Philippine film industry.

"And as we celebrate our hundred years, we embrace these many phases while at the same time look forward to a new future—a full moon—bright, complete, and illuminating of what’s ahead."

Continue reading below ↓

GORGY RULA:

Kahit hindi nominado si Kathryn Bernardo (The Hows of Us) sa kategoryang Best Actress, inaasahan naman ang suporta niya kay Daniel Padilla na nominadong Best Actor.

Medyo nagtataka lang kami, bakit nominado si Agot Isidro sa Changing Partners? Gayong sa pagkakaalala ko, nominado rin siya sa pelikulang ito noong nakaraang taon.

Pero baka kabugin sila ni Ai-Ai de las Alas (School Service) diyan?

Nakatsikahan ko si Direk Chito Roño kanina lang, susubukan daw niyang makadalo dahil hindi naman siya nakalipad pa-Japan para sa kasal nina Vhong Navarro at Tanya Bautista.

Ninong siya siyempre, kaya lang, hindi raw siya pinayagang magbiyahe sa eroplano.

NOEL FERRER:

Naging kakaiba rin ang judging ngayong taon dahil ang former awardees ang bumoto sa iba’t ibang categories sa Luna Awards.

Of course, habang nagaganap ang lahat ng ito, kasabay naman ng Luna Awards ang bonggang Opening Ceremonies ng SEA Games.

Pareho nating sinusuportahan ang excellence ng mga kababayan natin mapa-sports man o pelikula.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
37th Luna Awards best supporting actor nominee Epy Quizon is flanked by Film Academy of the Philippines director-general Vivian Velez and Film Development Council of The Philippines chair Liza Dino. Seen on the right photo is the logo of SEA GAMES 2019 with Philippines as the host country.
PHOTO/S: Noel Orsal / SEA GAMES 2019 Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results