Bagong FAP head Vivian Velez, bakit no-show sa 37th Luna Awards?

by PEP Troika
Dec 1, 2019
Why was newly-appointed Film Academy of the Philippines Director-General Vivian Velez (left, shown with Epy Quizon and FDCP head Liza Dino-Seguerra during an earlier event) conspicuously absent during the 37th Luna Awards?
PHOTO/S: Noel Orsal

JERRY OLEA

Nobyembre 30, Sabado ng 5:30 P.M. dapat ang Red Carpet Ceremonies ng 37th Luna Awards sa Maybank Performing Arts Theater, BGC, Taguig City.

Hindi agad iyon nasimulan dahil nagre-rehearse pa ang production.

Early bird ang mahusay at mapagkumbabang veteran actor na si Ronnie Lazaro.

Kaibigan nito ang katotong Pilar Mateo na ka-table namin, kaya lumapit ito agad sa amin.

“Ronnie Lazaro po,” pag-abot niya ng kanyang palad, as if unfamiliar ako sa kanya.

Continue reading below ↓

Siyempre, nahiya ako. Sabi ko, “Of course, Oro, Plata, Mata (1982) and Boatman (1985)!”

Masaya na kaming nagkakuwentuhan. Sabi pa namin, pagkagaganda ng mga pelikulang iyon, at makabuluhan pa rin sa panahon ngayon.

“Because those films have soul,” napangiting sambit ni Ronnie.

Nag-frontal nudity si Ronnie sa eksena sa batis sa Oro, Plata, Mata na idinirek ni Peque Gallaga.

Dahil doon ay kinuha siya ni Direk Tikoy Aguiluz para sa Boatman, kuwento ng isang bangkero sa Pagsanjan, Laguna na naging torero.

Kuwento ni Ronnie, “Nilapitan ko si Robin Padilla. Sabi ko sa kanya, gawa kami ng movie... Boatman and Robin.”

Tinanggihan daw ni Robin ang movie dahil una sa title si Boatman.

Kasama si Ronnie sa pelikulang Mañanita ni Bela Padilla, na ipalalabas na sa Miyerkules, Disyembre 4.

“Isang sequence lang ako roon,” pakli ni Ronnie.

Kakaibang pelikula ang Mañanita, na idinirek ni Paul Soriano mula sa 8-page screenplay ni Lav Diaz.

Continue reading below ↓

Kasali pa rin si Ronnie sa top-rating afternoon series na Kadenang Ginto, na sa pagkakaalam namin ay hanggang Pebrero 2020 sa ere.

Ang karakter dito ni Sheree na “love interest” ni Ronnie ay pinatay na.

“Na-depress si Sheree. Na-trauma nang patayin ang karakter niya,” matamang lahad ni Ronnie.

“I understand her. Dapat pala, nagpasama ako sa kanya dito sa Luna Awards.

“Naalala ko tuloy iyong teleseryeng Anna Luna [1989-1995]. Six years ako doon. Sabi ko kay Direk, pag pinatay na ang karakter ko, lalayas na ako agad-agad sa set.

“Ayoko kasi iyong maggu-goodbye-goodbye pa sa co-actors. Nadadala ko kasi yung character ko.”

Maya-maya ay dumating na rin sa cocktails area ng Luna Awards ang veteran actors na sina Tommy Abuel at Bembol Roco, kaya tuluy-tuloy ang masayang kuwentuhan namin.

Naki-table din sa amin si Althea Vega. Clueless si Althea tungkol sa pelikulang Boatman.

Hirit ni Ronnie, “May naisip pa akong isang movie project. Noong nasa Vigan ako, sa Ilocos Sur, dry na dry ang lupa, nakakita ako ng maraming kambing.

Continue reading below ↓

“Naisip ko namang gawing movie... The Goatman.

GORGY RULA

Nakakatuwang tingnan sa 37th Luna Awards na nagkatipun-tipon ang ilang veteran stars lalo na yung hindi na gaanong visible sa showbiz.

Maayos ang buong seremonya ng pamamahagi ng awards.

Kaya naman proud na proud ang FDCP Chairperson Ms. Liza Diño-Seguerra sa pagdirek ng dyowang si Ice Seguerra. Kahit simple, maayos niyang nailatag ang programa sa buong awarding ceremony.

Pero siguro, mas okay kung medyo bawasan ni Madam Liza ang pagsasalita.

Masyadong passionate lang siya kasi sa mga ginagawa niya. Pero kahit hindi na niya binasa ang ibang bahagi ng speech sa Sine Sandaan: Film Production Companies of the Philippine Luminaries, ang dami pa rin niyang sinabi.

Bago rin niya iprinisent ang Best Picture, nagsalita siya uli na halos ganundin ang mga sinabi niya sa unang speech.

Nakikita namang nagtatrabaho talaga siya, kaya kahit hindi na siya gaanong nagsasalita, nakikita ang mga magagandang resulta na ginagawa ng FDCP.

Continue reading below ↓

Kudos sa lahat na bumuo ng Luna Awards lalo na sa FDCP at FAP na bagong pinamumunuan ni Ms. Vivian Velez.

Kaya lang, bakit wala kagabi si Ms. Vivian?

Totoo bang 6 P.M. nagpasabi si Ms. Vivian sa staff ng FDCP na hindi siya makakarating?

NOEL FERRER

Kudos to FDCP Chairperson/CEO Liza Diño and husband Ice Seguerra sa mahalagang pagma-mount nila ng Sine Sandaan version ng 37th Luna Awards!

Bakit wala ang bagong Film Academy of the Philippines (FAP) Director-General na si Vivian Velez?

Ito sana ang public na pagpapakilala sa kanya bilang bagong lider ng akademya after Leo Martinez. Anyare?

JERRY OLEA

Dahil wala si Ms. Vivian Velez, ang nag-welcome remarks ay si Ms. Boots Anson-Rodrigo.

Nalukring lang ako na i-introduce siya bilang Boots Anson-Roa Rodrigo.

Marami ang tumatawag pa rin sa kanya na Boots Anson-Roa. Marami rin ang tama sa pagtawag sa kanya na Boots Anson-Rodrigo.

First time kong narinig na tawagin siyang Boots Anson-Roa Rodrigo!

Continue reading below ↓

Natigalgal din ako nang ihayag sa programa na kasama si Soxie Topacio sa pelikulang Tatlong Taong Walang Diyos (1976) ni Ishmael Bernal.

Mahabaging Diyos! Ang direktor ng Tatlong Taong Walang Diyos ay hindi si Ishmael Bernal, kundi si Mario O’Hara!

Maski sa souvenir program ng 37th Luna Awards ay nakalagay ang boo-boo na iyan!

Tungkol sa hindi pagsipot ng bagong FAP Director-General na si Miss Vivian Velez sa awards night ng FAP... siguradong uupuan nila iyan ni FDCP Chairperson and CEO Liza Diño-Seguerra.

Kasabihan nga, walang hindi nakukuha sa magandang usapan. Anuman ang gusot o hindi pagkakaunawaan, maaayos at maaayos din 'yan.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Why was newly-appointed Film Academy of the Philippines Director-General Vivian Velez (left, shown with Epy Quizon and FDCP head Liza Dino-Seguerra during an earlier event) conspicuously absent during the 37th Luna Awards?
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results