Mother Lily at Nova Villa, pinarangalan sa 37th Luna Awards

by PEP Troika
Dec 1, 2019
Veteran actress Nova Villa (left) and Film producer Mother Lily Monteverde (right) were two of the special awardees during the recent 37th Luna Awards. Nova was feted the Manuel de Leon Award for Exemplary Achievement, while Mother Lily bagged the Fernando Poe Jr. Lifetime Achievement Award.
PHOTO/S: Mark Atienza / FDCP.ph

JERRY OLEA

Nag-standing ovation ang audience sa special awardees ng 37th Luna Awards na sina Nova Villa at Mother Lily Monteverde.

Ipinagkaloob sa 73-anyos na si Tita Nova ang Manuel de Leon Award for Exemplary Achievement.

Pahayag ni Tita Nova, passion niya ang pag-aartista mula pagkabata.

Pero ngayon ay mission na rin niya ang tumulong sa mga baguhang filmmakers sa industriya.

Continue reading below ↓

Wish ng emcee na si Jon Santos para kay Tita Nova, “May you continue to be passionate and... missionary.”

Pinagkalooban ang Regal Matriarch na si Mother Lily Monteverde ng Fernando Poe Jr. Lifetime Achievement Award.

Ang tawag ng 81-anyos na si Mother Lily kay FDCP Chairperson and CEO Liza Diño-Seguerra ay “Ma’am!”

Continue reading below ↓

Katwiran ni Mother Lily, “Aba, siyempre! Mas powerful!”

Seryosong tsinika ni Mother Lily si Ma’am Liza, para pakiusapan nito si Pangulong Duterte na maglaan ng pondo para sa film industry.

Walang humpay ang pagmamalasakit ni Mother Lily sa pelikulang Pilipino!

Escorts ni Mother Lily sa 37th Luna Awards ang dalawa niyang apo. Proud na proud siya sa mga ito.

Bago ang acceptance speech ni Mother Lily, may AVP (audio-visual presentation) kung saan nagsalita sina Lorna Tolentino, Maricel Soriano, Snooky Serna, Ice Seguerra, Direk Jose Javier Reyes at Roselle Monteverde.

Bahagi ng talumpati ni Mother Lily, “I guess I am being honored because I lasted this long.

“I am being given this distinction because despite all the ups and downs, all the challenges and rewards, all the changes brought by the decades, I am still here.

“And if I have continued to make films despite all the trials and difficulties in this ever-shifting industry, it was never just because of the box office. It has always been the joy of DISCOVERY.

Continue reading below ↓

“It is about finding the next generation of writers, directors, actors and all the artists who make entertaining movies and create great films.”

GORGY RULA

Gusto ko iyung pagpapahalaga ng 37th Luna Awards sa mga ginawaran ng special awards na sina Mother Lily Monteverde (FPJ Lifetime Achievement Award), Nova Villa (Manuel de Leon Award for Exemplary Achievement), at ang Lamberto Avellana Memorial Award na iginawad sa namayapang directors na sina Wenn Deramas at Direk Soxie Topacio.

Ang ganda ng AVP (audio-visual presentation) bago ginawaran sila ng award.

Ang tumanggap ng award para kay Direk Wenn ay ang kanyang sister at daughter.

NOEL FERRER

Maganda ang ganyang mga pagpapahalaga sa mga haligi ng ating industriya.

Congratulations, Mother Lily Monteverde, Tita Nova Villa, Direks Wenn Deramas and Soxie Topacio.

Next up, sa darating na Metro Manila Film Festival naman, pararangalan ang industry stalwarts na nandoon mula pa sa pagsisimula ng MMFF na 45 years na ngayon.

Continue reading below ↓

Pararangalan sa December 27 sina former President Joseph Estrada, Manay MarIchu Vera Perez and Boots Anson Rodrigo.

Kasabay nito, pararangalan din bilang mga Hall of Famers ang mga nanalo ng 3 MMFF awards pataas sa espesyal na Gabi Ng Parangal ngayong taon.

Tunay na panahon ito ng selebrasyon, pagbabalik-tanaw, pagpapahalaga at pasasalamat!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran actress Nova Villa (left) and Film producer Mother Lily Monteverde (right) were two of the special awardees during the recent 37th Luna Awards. Nova was feted the Manuel de Leon Award for Exemplary Achievement, while Mother Lily bagged the Fernando Poe Jr. Lifetime Achievement Award.
PHOTO/S: Mark Atienza / FDCP.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results