Arron Villaflor, may sama ng loob sa ex-girlfriend na si Jane de Leon?

by PEP Troika
Dec 2, 2019
Arron Villaflor on ex-girlfriend Jane de Leon bagging Darna role: "Matagal na rin niyang hinihiling iyong break na yun. So ngayon, dumating na.”
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Kabilang ang Kapamilya actor na si Arron Villaflor sa mga nagpasaya sa Christmas party ng Kasuso Foundation (Philippine Foundation for Breast Care, Inc.) nitong Disyembre 1, Linggo, sa Auditorium ng East Avenue Medical Center, Quezon City.

Ito’y sa paanyaya ni Ogie Diaz, na member ng board of trustees ng Kapuso Foundation na tumutulong sa mga may breast cancer.

Kahit sinisipon, bigay na bigay si Arron sa pagkanta ng "Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko" at "Prinsesa."

“Pasensiya na po sa boses ko,” sabi ni Arron, na napapanood sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano.

“Sobrang nagpapasalamat ako sa Diyos at ibinigay sa akin ang araw na ito!”

Continue reading below ↓

Last year ay naagapan ang swollen lymph nodes sa ina ni Arron, kaya makabuluhan para sa aktor na makipagsaya sa mga may kanser sa suso.

Nilinaw na rin namin kay Arron ang intrigang heartbroken siya sa bagong Darna na si Jane de Leon matapos silang maghiwalay two years ago.

May sama ba siya ng loob kay Jane?

“Wala! Wala!” natatawang sambit ni Arron.

“Basta ako, masaya para sa kanya ngayon.

"Matagal na rin niyang hinihiling iyong break na yun. So ngayon, dumating na.”

Friends pa rin sila?

“Oo naman,” mabilis na tugon ni Arron, na wala pang naging girlfriend after Jane.

NOEL FERRER

Salamat sa mga artistang tulad ni Arron na nagbabahagi ng kanyang panahon o blessings sa nangangailangan.

As for Jane de Leon, sino bang mag-aakalang magiging Darna siya?

Hindi naman yata doon nakadepende kung swak at compatible sila ni Arron.

At mukha namang naka-move on na silang dalawa.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Nakakatuwa na ang kilalang celebrities kagaya ni Aaron Villaflor ay nakiisa sa advocacy na ito ni Ogie Diaz.

Lahat yata tayo ay may mahal sa buhay na dumaan sa ganitong karamdaman. Kaya nakaka-relate tayo riyan.

Sa ganitong activity ng Kasuso Foundation, kahit paano ay napapagaan ang pinagdaanan ng cancer patients.

Continue reading below ↓

Pagdating kay Jane de Leon, matagal pa siguro maipalalabas ang Darna niya, pero sobrang haba na ng promo nito.

Magaling naman mag-promote ang Star Cinema, pero sana ay hindi ito mabantilawan.

Hindi ko nakikita lately si Jane de Leon, pero totoo bang medyo lumulusog daw siya ngayon? Nahiyang ba sa mga training niya sa Darna?

JERRY OLEA

Bumaha ng raffle prizes sa nasabing Christmas party ng Kasuso Foundation, kung saan nagbigay ng P200,000 ang CEO ng Beautederm na si Ms. Rhea A. Tan.

Siyempre, meron pang give aways na Beautederm products. Dumalo pa ang first brand ambassador ng Beautederm na si Alma Concepcion, at nagpa-raffle ng blessings.

Oh, yes! Present din ang LizQuen na binantayan siyempre ng marshalls. ‘Kaaliw ang gimik ni Liza sa pa-raffle. May separate story tayo about this.

Ang ilan pa sa nagpa-Christmas sa mga babaeng may breast cancer ay sina Dimples Romana, Mel Martinez, Niño at Sandro Muhlach, Art Tupaz, Joel at Anna Fernando ng Fersal Hotel, Rene at Abe Turingan, Joven Pascua, Jona Jane Quitan, Erickson Raymundo, Katt Cruz, Tom Tom Avan, Patrick Reyes Pascual, Kristianne Pascual, Boss Kim, Jhack de Leon Alacbay, Chad Kinis, Marie Marquez, Sunita G. Chanduma, Vivina Teodoro, Bento Cruz ng Lugaw Republic, Marie Michelle Sunio, Neil Flores, at Oliver Carnay na US dollars ang ibinahagi.

Continue reading below ↓

Ang host ng programa ay si Loi Villarama.

Tuwang-tuwa ang breast cancer patients sa pangako ni Ogie na may pa-Valentine ang Kasuso Foundation, at malamang na gaganapin ito sa Pebrero 30, 2020?!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arron Villaflor on ex-girlfriend Jane de Leon bagging Darna role: "Matagal na rin niyang hinihiling iyong break na yun. So ngayon, dumating na.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results