Unbreakable, naka-P57M na sa takilya

by PEP Troika
Dec 2, 2019
Malaki ang posibilidad na umabot sa P100 million ang kikitain ng Unbreakable sa takilya.
PHOTO/S: Star Cinema

JERRY OLEA

As of December 1, Sunday, umabot na sa PHP56.9M ang kinita ng Unbreakable sa takilya.

Ibig sabihin, sa loob ng limang araw ay kinabog ng pelikula nina Bea Alonzo, Angelica Panganiban, at Richard Gutierrez ang sandamukal na local movies na hanash nang hanash pero bigong lumampas sa P50M-mark.

Grabe, mga mamee!

More or less ay 250 na ang mga sinehan ng Unbreakable nitong nakaraang weekend.

Malamang sa alamang na lalampas sa P100M ang kikikitain ng Unbreakable lalo pa’t magpapasiklab na ang international screenings nito.

Oh, yes! Patuloy ang pagpapa-block screenings ng friends and supporters nina Bea, Angelica, at Richard. More and more!

Siyanga pala, ipapalabas na sa Miyerkules, December 4 ang Mañanita ni Bela Padilla, at ang smorgasbord movie na Love Is Love.

NOEL FERRER

Sana nga ay tuluyan nang gumana ang powers ni Quiboloy para pahintuin ang super typhoon upang mas kumita pa ang Unbreakable at The Heiress, plus ang mga parating na pelikulang Pinoy na Mañanita at Love Is Love.

So that, we all #WinAsOne pa rin, at may kasabay na support din for our Filipino athletes sa 30th SEA Games.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Pinanood ko ang Unbreakable sa Cinema 1 sa Glorietta kagabi at halos napuno ito.

Nagpalakpakan ang mga tao pagkatapos ng movie.

Ang dami kong narinig na nagsisinghutan, pero ewan ko ba, bakit hindi ako na-touch.

Napakaiyakin ko pa naman, pero hindi talaga ako naantig.

Parang sobrang bigat kasi ng mga eksena. Dramang-drama.

Mas nadadala kasi ako sa mga simpleng eksena pero nakukurot ang puso mo.

Malaki ang naitulong sa pelikula ng napakaepektibong pagganap nina Bea Alonzo at Angelica Panganiban. Pero pinakagusto ko si Angelica.

Lalong kumisig si Richard Gutierrez, at ang guwapo-guwapo niya talaga. Perfect leading-man material.

Samantala, as of Sunday ay halos naka-PHP8M naman ang The Heiress. Maganda rin ang feedback sa horror movie na ito nina Maricel Soriano at Janella Salvador.

Sana, patuloy pa itong humataw hanggang sa susunod weekend dahil wala na gaanong malakas na pelikulang ipalalabas.

Inaabangan na ang walong pang-MMFF.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Malaki ang posibilidad na umabot sa P100 million ang kikitain ng Unbreakable sa takilya.
PHOTO/S: Star Cinema
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results