Kyline Alcantara at Yasser Marta, bagong Kapuso love team

by PEP Troika
Dec 2, 2019
Kyline Alcantara at Yasser Marta, makakasama si Nora Aunor sa Bilangin Ang Bituin Sa Langit.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA:

Magkasamang um-attend ang Kapuso young stars na sina Kyline Alcantara at Yasser Marta sa Christmas party ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) nitong Disyembre 1, Linggo, sa Limbaga 77 restaurant, Sct. Limbaga St., Quezon City.

Gaganap sina Kyline at Yasser bilang star-crossed lovers na sina Maggie at Anselmo Jr. sa upcoming Kapuso drama series na Bilangin Ang Bituin Sa Langit, sa direksiyon ni Laurice Guillen.

Nagsimula na ang taping nito sa Angeles City, Pampanga at La Union, pero hindi pa nakukunan sina Kyline at Yasser. Week 2 pa kasi papasok ang mga karakter nila.

“Naku, kinakabahan nga po ako kay Direk Laurice. Kinakabahan ako nang sobra,” nakangiting sambit ni Kyline.

Kinakabahan din nang sobra si Kyline kay Nora Aunor, na gaganap bilang lola niya sa serye.

“Actually, noong first time ko pong nakita si Ate Guy, sa storycon, nakasabay ko po siya sa elevator,” lahad ni Kyline patungkol kay Nora, na kilala sa palayaw na Guy.

Continue reading below ↓

“So, parang, ‘Shit, naiiyak ako! Naiiyak ako nang sobra!’”

Level-up na ang status ni Yasser bilang leading man ni Kyline sa Bilangin Ang Mga Bituin Sa Langit.

"One of those" lang siya sa Love You Two na pinagbidahan nina Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado.

Napangiting sang-ayon ni Yasser, “Oo nga, e. Nakaka-pressure din talaga. Kasi, saan ba ako galing, di ba?”

Sambit ni Kyline, “Sa bahay!”

Pagpapatuloy ni Yasser, “Ito iyong pinakamalaking break na natanggap ko talaga sa buong buhay ko. So, pagbubutihin!

"Nakaka-pressure lang pero iyong pressure naman ay magagamit natin para maipakita natin‘yung galing, di ba?”

Halatang may foreign-blood si Yasser.

“Opo... Putragis! Portuguese po!” pabirong bulalas ng pogilicious young actor.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER:

O, Kyline, maganda iyan. Sana ay matulungan ka talaga ng mga iginagalang naming mga kasama sa panulat sa SPEEd para sa sakto at angkop na pagsikat, at hindi pinilit o kinalburo.

O, Kyline... balang araw, makikilala rin kita.

GORGY RULA:

Abot-langit ang expectations ko sa TV series na version ng Bilangin Ang Bituin Sa Langit.

Forte kasi ni Direk Laurice Guillen ang family drama, kaya malamang na maganda ang kalalabasan nito.

Curious lang ako kung bakit si Yasser ang napiling leading man ni Kyline.

Sana may chemistry sila, at maganda rin na sinusubukan ng GMA-7 ang iba pang mga bagong artista nila para mas maraming mabibigyan ng break.

Maganda sana ang kalalabasan nito.

Huwag lang sanang maging sakitin si Ate Guy para hindi maapektuhan ang kanilang taping.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kyline Alcantara at Yasser Marta, makakasama si Nora Aunor sa Bilangin Ang Bituin Sa Langit.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results