Julia Barretto sa MMK vs Hipon Girl sa Magpakailanman: sino ang panalo sa ratings?

by PEP Troika
Dec 3, 2019
Sino ang nagwagi sa tapatan nina Julia Barretto, na bida sa episode ng MMK, at Hipon Girl, na tampok sa episode ng Magpakailanman, noong November 30?
PHOTO/S: ABS-CBN / GMA-7

GORGY RULA

Ano kaya ang senyales ng pagkatalo ng Maalaala Mo Kaya (MMK) sa Magpakailanman noong nakaraang Sabado, November 30?

Si Julia Barretto ang bida sa episode na ito ng MMK, at si Herlene Budol na mas kilalang si Hipon Girl ng Wowowin ang katapat niya sa Magpakailanman.

Bida si Hipon Girl sa "Dubai and I" episode ng Magpakailanman na, ayon sa AGB NUTAM, ay nakakuha ng 10.9%.

8.1% naman ang nakuha ng MMK episode ni Julia.

Mukhang inaabangan lang ng televiewers ang opening ng 30th SEA Games na live na napanood sa ABS-CBN.

Ay! Hindi naman pala live ang pagsindi ni Senator Manny Pacquiao ng golden cauldron!

Pero nakakuha ito ng 13.6%.

Noong Linggo, December 1, ay umangat ang ASAP Natin ‘To na may 5.6%, samantalang 4.4% ang Sunday PinaSaya.

Ang Banana Sundae ay nakakuha ng 4.2%, at 3.8% lang ang Dear Uge.

Pagdating sa gabi, lumamang din ang TV Patrol, Rated K, at Parasite Island ng ABS-CBN sa mga katapat nilang programa.

Continue reading below ↓

Pero pagdating sa The Clash ay umangat ito at nakakuha ng 10.8%, kumpara sa 9.7% ng Your Moment.

Kumusta kaya ang national TV ratings sa Kantar Media, Tito Jerry?

JERRY OLEA

Gaya ng inaasahan, most watched TV program sa bansa noong Nobyembre 30, Sabado, ang live telecast ng 2019 SEA Games Opening Ceremony sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Ayon sa national TV ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media, naka-29.2% ito, kontra sa The Clash na naka-16.4%, at Daddy’s Gurl na naka-14%.

Halos dikit ang MMK episode ni Julia Barretto sa Magpakailanman episode ni Hipon Girl.

Naka-17.5% ang MMK, kontra sa Magpakailanman na naka-16.7%.

Nitong Disyembre 1, Linggo, World AIDS Day, No. 1 ang Parasite Island na naka-27%, kontra sa Daig Kayo ng Lola Ko na naka-16.4%.

Pangalawa ang Rated K na naka-25.4%, kontra sa Amazing Earth na naka-15.6%.

Pangatlo ang Kapuso Mo, Jessica Soho!

Taob ang Fantastica sa Kapamilya Super Blockbusters na naka-10.6%, kumpara sa KMJS na naka-25.1%.

Pang-apat ang Your Moment na naka-20.8%, kumpara sa The Clash na naka-19.6%.

Ang second part ng ASAP Natin ‘To Rome ay naka-10.6%, kontra sa Sunday PinaSaya na naka-7.9%.

Nakabawi ang Gandang Gabi Vice kung saan panauhin si Manila Mayor Isko Moreno.

Nagtala ang GGV ng 8.8%, kontra sa The Boobay and Tekla Show na naka-5.7%.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Usually, sa dami ng ganap kapag December, TV time is sacrificed.

Masuwerte ang TV shows ngayon at medyo okay pa rin ang viewership.

But when the Christmas parties and gatherings catch up, ayun na, let’s see if TV ratings will take a dip.

Actually, pati advertising placements and revenue are usually down by December.

Oh well.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sino ang nagwagi sa tapatan nina Julia Barretto, na bida sa episode ng MMK, at Hipon Girl, na tampok sa episode ng Magpakailanman, noong November 30?
PHOTO/S: ABS-CBN / GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results