Boy Abunda, kayakap ang ina hanggang sa huling sandali

by PEP Troika
Dec 3, 2019
Nitong Disyembre 2, Lunes ng gabi, pinaglalamayan man ang cremains ni Nanay Lesing ay nag-taping pa si Boy Abunda ng dalawang episodes ng Tonight With Boy Abunda.

JERRY OLEA

Animnapu’t pitong (67) araw na nakaratay sa ospital ang 90-anyos na Nanay Lesing ni Tito Boy Abunda.

Araw-araw ay kapiling ni Tito Boy ang pinakamamahal niyang ina. Nagkasakit man si Tito Boy, magkasama pa rin sila.

Kayakap ni Tito Boy ang kanyang ina nang malagutan ito ng hininga noong Linggo, unang araw ng Disyembre.

Nitong Disyembre 2, Lunes ng gabi, pinaglalamayan man ang cremains ni Nanay Lesing ay nag-taping pa si Tito Boy ng dalawang episodes ng Tonight With Boy Abunda (TWBA).

Gusto kasi niyang ma-distract. Kaya ang “primetime” Mass ay pasado 12:00 MN.

Bukas (Miyerkules, Disyembre 4) ang huling gabi ng lamay. Magti-taping pa rin si Tito Boy ng dalawang episode ng TWBA bukas ng gabi.

Mula sa PEP Troika, taos-puso po kaming nakikiramay, Tito Boy!

NOEL FERRER

Nakarating sa atin ang balitang iyan noong Linggo pa.

Pero alam mo iyan, Tito Jerry, na iginalang natin ang pagkapribado ng aspetong ito ng buhay ni Tito Boy.

Continue reading below ↓

Nang madalaw ko ito kahapon ng umaga, at peace ang mga tao at pawang magagandang pagbabalik-tanaw ang nasasabi nila tungkol kay Nanay Lesing.

Sabi ko kay Tito Boy, napakalaking legacy ang Make Your Nanay Proud na tunay niyang isinabuhay.

Iyan ang hamon sa atin nina Nanay Lesing at Tito Boy na patuloy nating isinasabuhay!

GORGY RULA

Noong nakasama namin si Kuya Boy sa Startalk, lagi niyang bukambibig si Nanay Lesing, na nanay na rin ang turing namin sa kanya.

Kapag pumupunta kasi kami sa bahay niya, kapag may dinadala kaming script o kaya may pinapa-voice over kami kay Kuya Boy, kaagad na humaharap sa amin si Nanay Lesing para asikasuhin kami. Tinatanong niya kung nakapagmeryenda na ba kami.

Basta, tinitiyak niyang nakakain muna kami bago kami umalis

Sabi nga ni Kuya Boy, si Nanay Lesing talaga ang sentro ng buhay niya. Kaya hindi niya alam kung ano ang buhay niya ngayong hindi na niya kasama ang ina.

Continue reading below ↓

Mami-miss niya ang laging pinapaalala ng Nanay niya tuwing umaalis siya ng bahay. Laging itinatanong sa kanya kung may dala raw ba siyang sombrero at baka mabasa siya sa ulan.

Dadalhin sa Samar ang mga abo ni Nanay Lesing. Tatlong araw raw ang burol doon. Iuuwi raw niya rito para dito ang inurnment.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nitong Disyembre 2, Lunes ng gabi, pinaglalamayan man ang cremains ni Nanay Lesing ay nag-taping pa si Boy Abunda ng dalawang episodes ng Tonight With Boy Abunda.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results