Yeng Constantino at Joem Bascon love team, kinakiligan ng fans sa MMFF entry na Write About Love

by PEP Troika
Dec 3, 2019
Yeng Constantino at Joem Bascon, effective ang love team sa Write About Love na puwedeng date movie sa darating na Metro Manila Film Festival.
PHOTO/S: Screengrab from Write About Love trailer

JERRY OLEA:

Wala si Joem Bascon sa presscon at premiere night ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019 official entry na Write About Love nitong Disyembre 2, Lunes, sa SM Megamall, Mandaluyong City.

Nandoon ang co-stars niyang sina Yeng Constantino, Miles Ocampo, at Rocco Nacino pati na ang direktor nilang si Crisanto Aquino.

Si Rocco, nagpaalam lang muna sa taping ng Kapuso primetime series na Descendants of the Sun sa Tanay, Rizal. Nag-motor siya para makarating sa premiere night.

Matapos ang short program before the screening ay umalis na si Rocco para bumalik sa taping sa Tanay.

Kilig-kiligan ang fans sa mga eksena nina Marco (karakter ni Joem) at Joyce (karakter ni Joem) sa screenplay na binubuo nina Female Writer (Miles Ocampo) at Male Writer (Rocco Nacino).

Gusto ko iyong contrast ng cinematography—makulay sa “reel” life nina Marco at Joyce, subdued sa “real” life ng dalawang manunulat. Bagamat sa pagsa-Sagada nila ay tila na-blur ang pagkakahiwalay ng totohanan sa produkto ng kanilang imahinasyon.

Gusto ko rin ang pagka-casting kay Harlene Bautista bilang ina ni Joyce at Romnick Sarmenta bilang ama ni Female Writer.

Gustung-gusto ko si Yeng sa movie, lalo na kapag kumakanta siya. Nanunuot sa puso.

Winner ang original theme song!

Ang Write About Love ay handog ng TBA Studios, na nag-produce ng pelikulang Goyo: Ang Batang Heneral, na kapapanalo lang bilang best picture sa 37th Luna Awards.

Pakiwari ko ay ang Mindanao, Culion, at Write About Love ang mag-aagawan sa pagiging best picture ng 45th MMFF.

Continue reading below ↓

GORGY RULA:

Si Yeng Constantino nga ang pinakagusto ko sa Write About Love.

Effective yata talagang umarte ang mga magagaling na singer. Natural na natural lang siya.

Pang-millennials itong Write About Love, at ang bentahe nito, ito lang ang romance movie sa walong pelikulang kalahok sa MMFF 2019.

Kaya maganda ang atake nila sa promo kung saan inikot nila ang mga eskuwelahan para mag-campus tour.

Pinagsulat nila ang mga estudyante ng tungkol sa pag-ibig at nagugulat sila sa mga nagawa ng mga kabataan na puwede pang isapelikula.

Kakaibang experience ito, sabi ni Rocco, na sumama sa halos lahat na mga kampus na inikot nila.

“Nagugulat din ako sa kuwento ng mga kabataan nowadays.

“Even young children, naka-experience ng heartbreak in different ways. Hindi lang sa kasintahan, ang dami. Eye-opening, e,” pahayag ng Kapuso actor.

Nararamdaman kong hahataw ang pelikulang ito sa MMFF pagkatapos ng awards night.

NOEL FERRER:

Graded B ng Cinema Evaluation Board, ang Write About Love is one movie na may legs pagdating sa box office.

Hindi siya mabigat, pero alam mong pinag-isipan at pinulido ang pagkakagawa.

It is one feel-good date movie sa darating na Metro Manila Film Festival that truly deserves our support!

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yeng Constantino at Joem Bascon, effective ang love team sa Write About Love na puwedeng date movie sa darating na Metro Manila Film Festival.
PHOTO/S: Screengrab from Write About Love trailer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results