Miles Ocampo, binalikan kung paano sila nagkaayos ni Kathryn Bernardo

by PEP Troika
Dec 3, 2019
Miles Ocampo (left) on settling past issue with Kathryn Bernardo (right): "Nagkaiyakan kami! Dyusko! Ang breakdown. Gusto kong i-share ang moment, gusto kong i-share ang mga photos, kasi piniktyuran nila kami, e."
PHOTO/S: Arniel Serato / Noel Orsal

GORGY RULA

Masayang ibinahagi ni Miles Ocampo sa premiere night ng MMFF 2019 movie niyang Write About Love nitong Lunes, December 2, na tahimik nilang naayos ni Kathryn Bernardo ang konting tampuhan nila.

Nagulat kasi si Miles sa isyu ng mga kasamahan nila sa Goin’ Bulilit na sina Alexa Ilacad at Sharlene San Pedro.

Wala raw siyang kamalay-malay na may ganoon na palang drama ang dalawa.

Nagkaroon din pala sila ng isyu noon ni Kathryn, at nabanggit ito ni Miles sa ilang interviews noong nagpu-promote siya last year ng MMFF 2018 movie nila ni Kim Chiu na One True Love.

Napanood daw ni Kathryn ang interbyung yun.

Aware daw ang mga kasamahan nila sa Goin’ Bulilit kaya inayos daw ng mga ito na magkita silang dalawa.

“Naging tulay yung mga boys, e, sina Igiboy [Flores], si John [Prats]. Sila ang nag-organize ng dinner.

"Ilan lang po kami. Masaya ako.

“Nagkaiyakan kami! Dyusko! Ang breakdown.

Continue reading below ↓

“Gusto kong i-share ang moment, gusto kong i-share ang mga photos, kasi piniktyuran nila kami, e.

“Grabe yung excitement ko, kasi ang saya ng moment.

"Pero sa aming dalawa na lang yun,” masayang kuwento ni Miles.

Pebrero sila nagkita at nagkaayos ni Kathryn, dahil meron daw silang tampuhan noon na sobrang apektado siya. Pero ayaw na raw niyang balikan pa yun.

Ang mahalaga ay okay na silang magkaibigan, at isa yun sa highlights ng taong 2019 niya.

Ngayon ay may communication na sila ni Kathryn. Nagkaka-text silang dalawa.

Dapat ay dadalo si Kathryn sa premiere night ng Write About Love, pero kararating lang daw nito mula Dubai kaya hindi ito pumuwede.

JERRY OLEA

Nakaka-good vibes ang paglalahad ni Miles sa pagkakaayos nila ni Kathryn.

Positive ang dating. Love! Love! Love!

Ibang-iba kay Alexa Ilacad sa last shooting day at mediacon ng Santigwar, kung saan wagas ang mga hanash laban kina Nash Aguas at Sharlene San Pedro.

Continue reading below ↓

Negatron to the lowest level. War! War! War!

Sana’y may matutunan si Alexa sa magandang attitude ni Miles!

NOEL FERRER

Na-nominate si Miles Ocampo for Best Supporting Actress para sa One True Love, at muntik pang manalo, ha!

Pero maganda naman na OK na sila ni Kathryn.

Pero alam niyo bang si Miles lang ang ni-request ni Direk Crisanto Aquino na makasama sa cast ng Write About Love? Yung iba ay nag-audition na.

Kaya full commmitment lahat ng members sa kani-kanyang roles, kasi ginusto talaga nila yun.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miles Ocampo (left) on settling past issue with Kathryn Bernardo (right): "Nagkaiyakan kami! Dyusko! Ang breakdown. Gusto kong i-share ang moment, gusto kong i-share ang mga photos, kasi piniktyuran nila kami, e."
PHOTO/S: Arniel Serato / Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results