Fortysomething actor, paboritong tambayan ang steam room ng isang spa

by PEP Troika
Dec 4, 2019
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA

Chayong ang taguri sa fortysomething actor na suki ng isang spa sa Quezon City.

Si Chayong (Laura Centeno) ay isa sa pitong alagad ni Elsa (Nora Aunor) sa bayan ng Cupang... sa pelikulang Himala (1982) na idinirek ni Ishmael Bernal, mula sa panulat ni Ricky Lee.

Pilit ikinukubli ng fortysomething actor ang kanyang pagiging bading, pero sa naturang spa ay umaalingasaw ang isinisigaw ng kanyang puso.

Karamihan sa kliyente ng spa ay ka-federacion sa pamayanang bahaghari.

Tuwing magsasadya si actor sa spa ay dalawang tuwalya ang nire-request niya. Isa ay para sa kanyang baywang, at isa ay pantalukbong.

'Tsurang naka-belo si actor, gayong batid ng mga kapwa suki niya sa spa ang kanyang hiwaga o drama.

Tumatambay si actor sa steam room, at kahit pagkainit-init ng usok sa loob ay nakatalukbong pa rin siya.

Paborito ng mga bortang paminta ang steam room kung saan gumagawa sila ng himala.

Continue reading below ↓

Minsang makita ng isang malditong juding na papunta na si actor sa steam room, agad niyang sinabihan ang mahaderong kaibigan, “Ayan na! Ayan na! Parating na si Chayong! Elsa! Elsa! Andiyan na si Chayong!”

NOEL FERRER

Out na ang fortysomething actor na ito sa mga kaibigan niya.

In fact, may punto ngang may karelasyon na ito—pero ewan ko kung nandiyan pa rin hanggang ngayon.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Hindi ko alam kung batid ng actor na mas pinapaboran ng mga tao ngayon ang may #authenticself kaya baka lalo pa siyang tatanggapin at mamahalin kung magpapakatotoo siya sa kanyang audience.

Pero choice niya iyan, hindi natin siya pinipilit.

Akala natin, sa recent niyang show ay maglaladlad na siya.

Oh well, kanya-kanyang ritmo at proseso iyan!

GORGY RULA

Kahit ako, may nasaksihan din sa fortysomething actor noong nakasabay ko siya sa isang spa.

Natanong na rin siya tungkol sa sexual preference niya, pero ipinagpipilitan niyang girl pa rin talaga ang gusto niya.

Continue reading below ↓

Kaya nga inamin na rin niyang na-in love siya dati sa isang beauty queen-actress.

Ibigay na natin sa kanya iyan, dahil choice niya iyan.

Huwag na nating uriratin pa.

Ang mahalaga, magaling siyang aktor lalo na sa pagpapatawa, pati sa pagkanta at pagsayaw. Total performer!

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results