Boy Abunda, tuloy ang trabaho kahit nakaburol pa ang kanyang ina

by PEP Troika
Dec 4, 2019
“Kahapon, okay pa ako. Pero ngayon, hindi na,” pag-amin ni Tito Boy Abunda nang makausap ng PEP Troika sa lamay ng kanyang Nanay Lesing nitong Disyembre 3, Martes ng gabi.
PHOTO/S: Photo from Twitter (@PWU_Manila)

JERRY OLEA

“Kahapon, okay pa ako. Pero ngayon, hindi na,” malumanay na pag-amin ni Tito Boy Abunda nang makausap namin sandali nitong Disyembre 3, Martes ng gabi, sa lamay ng kanyang Nanay Lesing.

Ngayong Disyembre 4, Miyerkules, bandang 3 P.M. o 4 P.M. ang huling misa sa lamay kay Nanay Lesing sa Quezon City.

6 P.M. ay magti-taping si Tito Boy ng dalawang episodes para sa The Bottomline With Boy Abunda.

Naka-announce na hanggang 9 P.M. ang viewing ng urn ngayong Wednesday. Ayon kay Kuya Boy ay nasa lamay sila hanggang 1 A.M.

Thursday morning ang flight ni Tito Boy para iuwi sa Samar ang cremains ng pinakamamahal niyang ina.

Apat na gabi ang lamay sa Samar — mula Huwebes hanggang Linggo.

Lunes ay babalik na si Tito Boy sa Kamaynilaan. May taping siya para sa Tonight With Boy Abunda.

GORGY RULA

Hindi ka na gaanong makagalaw sa dami ng mga bulaklak na ipinadala doon sa chapel.

Continue reading below ↓

Iyon ang pinuproblema ng kapatid ni Kuya Boy na si Congresswoman Fe Abunda.

Gustung-gusto niyang dalhin sa Samar ang mga bulaklak, pero mahirap nga naman.

Biniro nga niyang mag-arkila kaya siya ng eroplano para madala lahat ng mga bulaklak.

Pero bawi naman niya, kung nakikita lang ito ng nanay nila, tiyak na naaartehan na raw ito na pati bulaklak ay pinuproblema.

Dito pa rin pala sa Maynila ilalagak ang mga abo ni Nanay Lesing, at balak nilang i-exhume na ang labi ng Tatay nila, at isama na raw ito sa mga abo ni Nanay Lesing.

NOEL FERRER

Pinupuri si Tito Boy Abunda sa kanyang propesyunalismo, at talagang nakakayanan niyang mag-taping sa kabila ng pinagdadaanan niya.

Kung sabagay, work may be the best therapy for him para wala masyadong puwang ang lungkot.

Naihanda kahit papaano ang pamilya sa pangyayaring ito dahil matagal na proseso ang pinagdaanan ni Nanay Lesing. Pero iba pa rin kapag dumating ang hangganan.

Continue reading below ↓

Para kay Tito Boy at sa pamilya, uulit-ulitin ko... you make your Nanay proud!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Kahapon, okay pa ako. Pero ngayon, hindi na,” pag-amin ni Tito Boy Abunda nang makausap ng PEP Troika sa lamay ng kanyang Nanay Lesing nitong Disyembre 3, Martes ng gabi.
PHOTO/S: Photo from Twitter (@PWU_Manila)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results