Dennis Trillo sa Magpakailanman vs Kit Thompson sa MMK: sino ang mas tatangkilikin ng mga manonood?

by PEP Troika
5 days ago
Dennis Trillo (kaliwa) gumanap bilang visual artist sa Magpakailanman; Kit Thompson gumanap bilang lalaking HIV-positive.
PHOTO/S: Magpakailanman Facebook / MMK Instagram

JERRY OLEA

Ayon sa NUTAM (AGB-Nielsen), wagi ang Magpakailanman episode ni “Sexy Hipon” Herlene Budol over Julia Barretto’s MMK episode last Saturday, November 30.

This December 7, Saturday, kaabang-abang ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo sa kanyang pagganap bilang Rens Tuzon sa two-part anniversary special ng Magpakailanman.

Si Rens Tuzon ay isang premyadong visual designer. Gumagamit siya ng kape bilang sangkap sa kanyang artworks.

“Rise above the ignorance! Help us spread awareness!”

Bida naman sa MMK sa Sabado night sa ABS-CBN si Kit Thompson sa matapang na pagganap bilang lalaking nalugmok sa kadiliman. HIV+!

Kaugnay ito sa 32nd World AIDS Day noong Linggo, Disyembre 1, na ang tema ay “Communities Make The Difference.”

Dennis Trillo vs Kit Thompson, sino ang mas tatangkilikin ng televiewers?

NOEL FERRER

Dennis Trillo is such a seasoned actor na at subok na ang kanyang kakayahan.

Teka, bakit two-part presentation? Sobrang interesting siguro ng buhay nitong gagampanan niyang si Rens Tuzon.

Continue reading below ↓

As for Kit Thompson, after studying abroad, he has been assigned to projects that would test his mettle sa acting! Mahusay!

Ang pareho kina Dennis at Kit ay risk-takers sila, and they don’t mind playing roles that are out of their comfort zones.

Dahil dito, they are able to stretch their limits as actors. Bilib ako sa kanila dahil may pagpapahalaga sila sa sining nila at hindi rumaraket lang! Bravo!

GORGY RULA

Malaking bagay ang ganda ng istorya.

Kaya panalo ang nakaraang Magpakailanman, dahil sa ganda ng istorya ang inilahad sa kanilang "Dubai and I episode" na pinagbidahan ni Herlene ‘Hipon Girl’ Budol.

Pero mas nakaka-pressure ito sa mga taga-Magpakailanman dahil natalo na nito ang MMK noong nakaraang linggo.

Dagdag pang pressure na baka matalo pa ni Kit Thompson si Dennis Trillo.

Ang bongga ni Kit, dahil kararating lang niya galing New Zealand para sa launching movie ni Maureen Wroblewitz, may kasunod agad siyang MMK.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dennis Trillo (kaliwa) gumanap bilang visual artist sa Magpakailanman; Kit Thompson gumanap bilang lalaking HIV-positive.
PHOTO/S: Magpakailanman Facebook / MMK Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results