Mañanita, Love Is Love, Kaibigan nag-first day, last day sa mga sinehan?

by PEP Troika
Dec 5, 2019
Mañanita ni Bela Padilla (left), Love is Love nina Roxanne Barcelo at JC de Vera (center), at Kaibigan ng Perkins twins (right), pare-pareho ng kapalaran sa takilya pagbukas pa lang sa mga sinehan nitong December 4.
PHOTO/S: Mananita / Love is Love / Kaibigan

NOEL FERRER

Tinanong ko ang contact ko tungkol sa kinahinatnan ng mga pelikulang Pilipino na nag-showing nitong Disyembre 4, Miyerkules, namely, Mañanita, Love Is Love, at Kaibigan.

Ang mabilis niyang sagot, "Waley! Parang walang nag-showing! No choice but mag-last day."

As in, walang PHP300K man lang?

"Wala talaga. As in luhaan," sagot ulit ng source.

Kawawang mga sinehan. Kawawang mga pelikula. Kawawang industriya.

Ang Mañanita, na pinagbibidahan ni Bela Padilla, ay kuwento tungkol sa mga pulis sa Davao na gumagamit ng gitara at harana sa pagdakip ng drug users.

Ang Love is Love ay isang romance-drama na pinagbibidahan nina Roxanne Barcelo at JC De Vera.

Ang Kaibigan ay isang campus story na pinagbibidahan ng newbie actors na sina Jesse Perkins at Christian Perkins kasama ang Hollywood actor na si Stephen Baldwin.

JERRY OLEA

Flop is Flop. Lalo na kung walang effort ang friends at supporters ng mga bida sa nasabing movies na magpa-block screenings sa first day pa lang ng showing ng mga ito.

Kulang sa sigasig ang mga promotor ng mga nasabing pelikula.

Continue reading below ↓

Natawa ako nang sabihin ng isang radio broadcaster na pelikula pala iyong Love is Love, at ipapalabas sa mga sinehan. Hindi siya na-orient.

Totoo bang mas malakas pa ang Unbreakable on its second week kaysa sa mga bagong bukas na Pinoy movies?

Basta, excited na tayo sa mga ganap sa 45th Metro Manila Film Festival (MMFF) kung saan inaasahang topgrosser ang M&M The Mall, The Merrier nina Vice Ganda at Anne Curtis.

Makikipagpukpukan siyempre sa Top 3 ang 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon nina Coco Martin, Ai-Ai de las Alas, at Jennylyn Mercado, pati na ang Mission Unstapabol: The Don Identity nina Vic Sotto at Maine Mendoza.

Puwedeng maging dark horse ang romcom na Write About Love, maging ang Mindanao na llamado si Judy Ann Santos sa pagiging best actress, at Miracle in Cell No. 7 na matunog si Aga Muhlach bilang best actor.

GORGY RULA

Mahina na talaga ang ganitong playdate pagpasok ng Disyembre.

Continue reading below ↓

Hinihintay na lang ang MMFF 2019.

Ang nakakalungkot lang, mas malakas pa nga ang Unbreakable, at nung kamakalawa lang ay naka-PHP3M pa ito.

Ang Frozen 2, naka-PHP15M pa noong araw na iyon.

Nakatulong pa nitong mga nagdaang araw na walang pasok dahil sa bagyong Tisoy, pero mas nakinabang ang Frozen 2 at Unbreakable na more than PHP70M na ang kinita sa takilya.

Kaya tantiya ng aming source, baka abutin ng PHP130M to PHP150M ang buong run ng pelikulang pinagbibidahan nina Angelica Panganiban at Bea Alonzo.

Masaya na kaya rito ang Star Cinema?

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mañanita ni Bela Padilla (left), Love is Love nina Roxanne Barcelo at JC de Vera (center), at Kaibigan ng Perkins twins (right), pare-pareho ng kapalaran sa takilya pagbukas pa lang sa mga sinehan nitong December 4.
PHOTO/S: Mananita / Love is Love / Kaibigan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results