Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Julie Anne San Jose, payag bang kapalit ni Maine Mendoza bilang love team ni Alden Richards?

by PEP Troika
Dec 6, 2019
Julie Anne San Jose on Alden Richards-Maine Mendoza teamup: "Unbeatable po sila. I don’t think na may kailangan po akong palitan, kasi ang lakas po ni Alden and Maine together."
PHOTO/S: Jerry Olea / @aldenrichards02 Instagram

GORGY RULA:

Ayaw isipin ni Julie Anne San Jose na siya na ang posibleng kapalit ni Maine Mendoza na itatambal kay Alden Richards.

Ang narinig kasi naming usap-usapan, silang dalawa ni Alden ang mangunguna sa mga Kapuso artists na magiging bahagi sa bagong Sunday musical-variety show na ipapalit sa Sunday PinaSaya (SPS).

Ngumiti na lang siya nang tinanong namin tungkol sa sinasabing kapalit na show ng SPS.

Mas mabuting hintayin na lang daw ang announcement ng GMA-7.

Pero iyong silang mag-partner ni Alden, sobrang malabo raw mangyari iyon at hindi siya papayag doon dahil wala raw puwedeng pumalit kay Maine bilang katambal ng aktor.

Sina Alden at Maine ay kilala sa uniname na AlDub na sumikat sa "Kalyeserye" ng Eat Bulaga.

“Unbeatable po sila. I don’t think na may kailangan po akong palitan, kasi ang lakas po ni Alden and Maine together.

“Ang lakas naman po talaga ng AlDub together. And wala po akong kailangang palitan. Wala po akong kailangang i-fill in.

Continue reading below ↓

“Basta focus focus as solo performer,” pahayag ni Julie Anne San Jose.

Nakatsikahan namin si Julie Anne nitong December 6, Biyernes, sa media launch niya bilang bagong endorser ng Lee Jeans.

Wala pa siyang masasabi sa bagong show na ipapalit sa SPS.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Pero totoong kinausap na sila kung hanggang kailan na lang itong Sunday show nila.

“It’s been four good years. Para kang nag-enrol sa isang school.

“Para kang nagkaroon ng classmates na talagang solid kayo.

“Dito sa Sunday PinaSaya, lahat kami, family, e,” pahayag ng Asia’s Pop Diva na mainstay ng Sunday PinaSaya.

Sa darating na Linggo, December 8 pala ay mapapanood na sa Sunday Night Box Office ang concert ni Julie Anne sa Solaire Theater na Julie Sings the Divas.

JERRY OLEA:

Naku! Bakit hindi subukan munang i-guest si Julie Anne sa prime-time series ni Alden na The Gift?!

Tingnan kung may init ba ang kanilang pagtatambal. Walang masama kung subukan, di ba?

Continue reading below ↓

After all, maligaya na si Maine sa piling ni Arjo Atayde.

Malay natin, si Julie Anne pala talaga ang bagay ka-tandem ni Alden.

Nawa’y matanto natin iyan sa tamang panahon!

NOEL FERRER:

Tama, si Tito Jerry.

Makabubuting subukan muna kung eepekto ang pagsasama nina Alden at Julie Ann sa The Gift.

Hindi ba, muntik na silang naging sila noon? Anyare ulit?

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julie Anne San Jose on Alden Richards-Maine Mendoza teamup: "Unbeatable po sila. I don’t think na may kailangan po akong palitan, kasi ang lakas po ni Alden and Maine together."
PHOTO/S: Jerry Olea / @aldenrichards02 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results