TV host at comedienne, nagkakamabutihan na?

by PEP Troika
Dec 7, 2019
Is this TV host in a relationship with his comedienne co-host?
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

GORGY RULA

Tikom ang bibig ng production staff ng isang daily show nang inurirat namin kung totoo bang may namamagitan na sa main host at sa comedienne na co-host nito.

Ang tsismis na nakarating sa PEP Troika, bukod sa regular na si comedienne sa show, kaya may regular na itong kinikita, todo-bigay rin si main host sa lahat ng mga pangangailangan nito.

Totoo kayang nasa isang townhouse na nakatira si comedienne, at may regular pang monthly allowance?

Kilala kasing napaka-generous at galante ni main host, at siguro naaawa rin siya sa kalagayan ni comedienne na co-host niya.

Kaya ginagalingan na raw ni comedienne para hindi na makawala sa kanya ang dyowang si main host.

Pero ubod daw ng selosa itong si comedienne na halos lahat na lang ay pinagseselosan.

Mapalapit lang daw ang isang staff kay main host, react agad at nagseselos na si comedienne.

"The height" ng pagiging selosa nito, pati raw ang ibang kaibigang babae na halos nanay na ni main host ay pinagseselosan din niya.

Continue reading below ↓

Wala raw pinipiling tao si comedienne para pagselosan.

Ewan kung pati bading na staff ni main host ay pinagseselosan din niya.

Hindi lang alam kung dahil sa matinding pag-ibig kay main host o baka insecure si comedienne at natatakot na mapalayo sa kanya si main host.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

JERRY OLEA

Wow! Deserve nina main host at comedienne na lumigaya, at masaya tayo kung nasumpungan nila sa isa’t isa ang pag-ibig na pagkatamis-tamis.

Ang pagmamahal ay hindi dapat nakakasakal, bagkus ay umuunawa at nagtitiwala.

Kaya dapat mag-behave si comedienne, or else... ang pag-irog ay papait, o papakla.

NOEL FERRER

Hindi ba’t napabalita na silang may relasyon noon pa man?

I wish mahanap na talaga nitong TV host ang tamang tao na tatagal sa kanya.

Sayang... akala ko, compatible sila ng kaibigan kong news personality, pero hindi pa rin pala.

Oh, well... nakahanap na rin yata ng responsableng director ang kaibigan kong yun na dating minahal ng TV host.

Continue reading below ↓

Teka, ang tanong: mahilig ba ang host na ito sa matamis?

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Is this TV host in a relationship with his comedienne co-host?
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results