Judy Ann Santos, gustong makatrabaho muli si Direk Brillante Mendoza

by PEP Troika
Dec 9, 2019
Judy Ann Santos on Mindanao director Brillante Mendoza: “Hindi siya nagagalit. Hindi siya sumisigaw. Pero everybody’s obeying him, nirerespeto siya."

JERRY OLEA

Gusto ni Judy Ann Santos na makatrabaho muli si Direk Brillante Mendoza, matapos ang collaboration nila sa MMFF 2019 official entry na Mindanao.

“Oy, definitely! Ang bilis-bilis kayang katrabaho ni Direk Brillante!” masayang bulalas ni Juday.

“Pag sinabi niya, ganitong oras, pack up... PACK UP!

“At saka... darating ka sa set, magsu-shoot agad. Marami ka kasing natututunan, e.

"Iyong craft mo, at iyong pagmamahal mo, passion mo ng pagiging artista, marami ka pa palang puwedeng makuha.

“Marami ka pang puwedeng maintindihan.

"Iba... iba iyong working style ni Direk Brillante, and I like how he values his respect for his people.

“Hindi siya nagagalit. Hindi siya sumisigaw. Pero everybody’s obeying him, nirerespeto siya.

“Kasi nga, hindi mo naman kailangang sigawan ang mga tao para makinig at sumunod sa iyo.

“Iyong tamang pakikisama, at tama lang na pagbibigay ng direksyon sa kanila... enough na iyon.

"Hindi mo kailangang magmura."

Nakachikahan namin si Juday noong Setyembre 30, sa Greenbelt 3 My Cinema, sa Makati City, bago pa sila lumipad ni Direk Brillante pa-South Korea para sa world premiere ng Mindanao sa 24th Busan International Film Festival (Oktubre 3-12).

Continue reading below ↓

Kapagkuwan ay lumahok ang Mindanao sa 56th Taipei Golden Horse Film Festival (Nobyembre 7-24) sa Taiwan, 25th Kolkata International Film Festival (Nobyembre 8-15) sa India, Tallinn Black Nights Film Festival (Nobyembre 15-Distembre 1) sa Estonia, at 41st Cairo International Film Festival (Nobyembre 20-29) sa Egypt.

Sa CIFF tinanghal na best actress si Juday.

Ngayong Disyembre 9, Lunes ng hapon, may special screening ang Mindanao sa isang Director’s Club.

NOEL FERRER

Graded A sa Cinema Evaluation Board, sana ay makatulong talaga ang advance honors nina Juday at Brillante para sa box-office standing ng pelikulang Mindanao.

Talo man tayo sa Miss U, panalo naman tayo sa Cairo!

GORGY RULA

Pawang papuri rin ang mga pahayag ni Allen Dizon kay Judy Ann.

Napaka-humble daw ng Kapamilya actress. Kaya ang dali raw niyang nakapalagayan ng loob.

Lalo pa silang nag-bonding nang magkasama sila sa Busan International Film Festival.

Kaya noong tinanggap ni Allen ang Best Actress trophy ni Juday sa Cairo International Film Festival, sobrang proud siya at ang laking ‘kalarangan....’ ay! Karangalan pala... na siya ang tumanggap ng parangal na ito kay Juday.

Continue reading below ↓

Huwag sanang maka-pressure kay Juday ang sinasabi ng karamihan na siya ang magwawaging best actress sa ngayong taong MMFF.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Judy Ann Santos on Mindanao director Brillante Mendoza: “Hindi siya nagagalit. Hindi siya sumisigaw. Pero everybody’s obeying him, nirerespeto siya."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results