Vice Ganda, naloka nang mapansing lumaki ang boobs ni Anne Curtis

by PEP Troika
Dec 10, 2019
Vice Ganda nagulat nang biglang magbihis sa harap niya si Anne Curtis: "Girl, may gatas yata ang dede mo! Ba’t anlaki?!"
PHOTO/S: Noel Orsal

JERRY OLEA:

Inilihim muna ni Anne Curtis sa mga katrabaho sa pelikulang The Mall, The Merrier ang kanyang pagbubuntis.

“Wala po siyang sinabi sa amin. Meron ho kaming isang eksena na ang ginagawa ay puro aksyon, nagliliparan sila, ipinasok ho siya ni Ganda sa loob ng basurahan,” kuwento ni Direk Barry Gonzalez.

Humarap si Direk Barry sa media conference nitong Disyembre 9, Lunes ng gabi, sa Dolphy Theater, ABS-CBN compound, Quezon City.

Bulalas niya, “Pumasok siya sa loob ng basurahan, hindi po namin alam na buntis na siya. Hindi niya sinasabi sa amin!”

Alam na ni Anne na buntis siya noon?

“Alam niya,” sambit ni Vice. “Alam na niya pala. 'Tapos, hindi niya inaamin.

“There was one instance na nandoon ako sa dressing room niya, kumakain ako.

"'Tapos, biglang sabi sa kanya, ‘On the set.’

"Bigla siyang nagpalit ng damit. Nagpalit siya sa harapan ko.

"Sabi ko, ‘Oh my god!’ Kasi, nakita ko ang boobs niya.

Continue reading below ↓

“Sabi ko, ‘Girl, may gatas yata ang dede mo! Ba’t anlaki?!’ sabi kong ganoon.

“'Tapos, sabi niya, ‘E, di ba, Sis, nakita mo, kain tayo nang kain? Kaya tumataba ako.’ 'Ahh, okey.'

"Naniwala naman ako sa kanya. Iyon pala, buntis na siya talaga. Meron lang siyang sinusunod na timing.

"Alam na niya kung kailan sila aamin, kung paano nila ipiprisinta sa mga tao na buntis siya.

“Planaro niya. ‘Hindi ko muna aaminin sa inyo.’

"Gusto niya, sabay-sabay nating ma-experience iyong pagre-reveal.”

GORGY RULA:

Ang galing nga ni Anne na naitago niya ang pagbubuntis na iyon at nai-reveal sa tamang panahon.

Marami na rin ang nag-aabang sa gender reveal, at malamang alam na nilang mag-asawa kung ano ang gender ng kanilang magiging baby.

Malalaman na rin natin kung magdadala ng suwerte sa The Mall, The Merrier ang dinadalang baby ni Anne.

Sasali pa rin kaya siya sa parada kahit malaki na ang tiyan niya?

Continue reading below ↓

Sana, huwag na lang dahil parang napaka-risky ito lalo na sa kalagayan niya ngayon.

NOEL FERRER:

Kung totoong ibayong suwerte ang dala ng isang baby, malamang sa malamang na mag-set ng bagong records ang pelikula nina Anne Curtis at Vice Ganda sa darating na 45th Metro Manila Film Festival.

At sana, mahawahan na rin ng suwerte ang lahat ng pelikulang lahok para everybody happy!

Harinawa!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda nagulat nang biglang magbihis sa harap niya si Anne Curtis: "Girl, may gatas yata ang dede mo! Ba’t anlaki?!"
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results