Prima Donnas at Kadenang Ginto, mahigpit ang labanan sa ratings

by PEP Troika
Dec 11, 2019
Sofia Pablo, Jillian Ward, at Althea Ablan ng Prima Donnas; Francine Diaz at Beauty Gonzalez ng Kadenang Ginto.
PHOTO/S: Prima Donnas / Kadenang Ginto

JERRY OLEA

Ayon sa National TV ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media, noong Disyembre 6, Biyernes, ay number one program pa rin ang FPJ’s Ang Probinsyano.

Naka-25.6% ang teleserye ni Coco Martin, kontra sa 14.3% ng Beautiful Justice. Line of 2 pa rin!

Pumangalawa ang naka-23.8% na Starla, kontra sa 12.5% ng The Gift.

Kabog ang Kadenang Ginto na 14.9%, kontra sa 17.4% ng Prima Donnas. Malaki-laki ang agwat, huh?!

Noong Disyembre 7, Sabado, nanguna ang naka-18.8% na Your Moment, kontra sa 14.8% ng The Clash at 13.2% ng Daddy’s Gurl.

Pumangalawa ang Maalaala Mo Kaya episode ni Kit Thompson na naka-18.3%, kontra sa Part 1 ng anniversary presentation ng Magpakailanman starring Dennis Trillo na naka-13.8%.

Noong Disyembre 8, Linggo, inilampaso ang 10% ng Four Sisters and A Wedding ng Kapamilya Super Blockbusters, kontra sa 22% ng nangunang programa na Kapuso Mo, Jessica Soho.

Pumangalawa ang naka-19.8% na Rated K, kontra sa 13.8% ng Amazing Earth.

Continue reading below ↓

Pangatlo ang naka-19.4% na Your Moment, kontra sa 14.1% ng Daig Kayo ng Lola Ko.

Talbog ang 14.9% ng The Haunted, kontra sa 17.6% ng The Clash.

Naka-8.4% ang ASAP Natin ‘To, kontra sa 6.9% ng Sunday PinaSaya.

Naka-7.6% ang Gandang Gabi Vice, kontra sa 4.1% ng Julie Sings The Divas sa Sunday Night Box Office.

Noong Disyembre 9, Lunes, nanguna pa rin ang FPJ’s Ang Probinsyano na naka-30.0%, kontra sa 14.6% ng Beautiful Justice. Balik sa line of 3 ang teleserye ni Coco!

Pumangalawa pa rin ang 25.5% ng Starla, kontra sa 13.4% ng The Gift.

Pangatlo ang 23.9% ng TV Patrol, kontra sa 18.9% ng 24 Oras.

Katabla ng TV Patrol ang 18.9% ng live telecast ng Miss Universe 2019.

Nakabawi ang Kadenang Ginto na naka-16.6%, kontra sa 15.8% ng Prima Donnas. Mahigpit ang labanan, huh?!

GORGY RULA

May problema po ba kayo sa line of 2 na rating ng FPJ's Ang Probinsyano, Tito Jerry?

Continue reading below ↓

Depende kasi iyan sa viewership lalo na’t marami nang platforms na puwedeng mapanood ang mga magagandang programa. Meron sa cable, sa digital, at meron pang Netflix at Iflix.

Wala pa ring nakakatalo sa FPJ's Ang Probinsyano. Iyon pa rin ang nangunguna sa hanay ng prime-time shows.

Kaya mukhang magtatagal pa ito, na ang sabi raw ni Coco Martin, may Hollywood stars na raw silang special guests.

Ang nakuha ko palang ratings mula sa AGB NUTAM ay parehong wagi ang The Clash sa katapat nitong Kapamilya shows noong Sabado at Linggo.

Noong nakaraang Sabado, December 7, may 8.6% ang The Clash at 7.3% lamang ang Home Sweetie Home.

Naka-tie naman ang Your Moment na 8.6%. Nag-tie din ang Magpakailanman at Maalaala Mo Kaya sa 8.9%.

Noong Linggo, December 8, ay 10.3% ang The Clash vs. 8.3% ng The Haunted at 8.7% ng Your Moment.

Magmula nang napabalitang tatapusin na ang Sunday PinaSaya, madalas na natatalo na ito ng ASAP Natin ‘To.

Continue reading below ↓

Noong nakaraang Linggo ay 4.1% ang nakuha nito at 4.6% naman ang ASAP Natin ‘To.

NOEL FERRER

In fairness, ang ganda ng plug ng ABS-CBN sa kasalang Rowell Santiago at Lorna Tolentino sa FPJ’s Ang Probinsyano.

At hindi basta kasalan lang, ha! May twist pa!

Kahit anupaman ang sabihin, 4 years is 4 years, hindi madaling pantayan ang toprating record ng FPJ’s Ang Probinsyano!

JERRY OLEA

Dalawang taga-Corp. Communications ng ABS-CBN ang nagpaliwanag sa amin nitong Disyembre 11, Miyerkules, sa Forever Kapamilya Media Party sa Luxent Hotel, Quezon City, kung bakit bumaba ang national ratings ng FPJ’s Ang Probinsyano last week.

Anila, dahil iyon sa power outage sa Kabisayaan dahil sa bagyo. Badly hit ang maraming lugar sa Visayas at Southern Luzon, na bailiwick ng Kapamilya shows.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sofia Pablo, Jillian Ward, at Althea Ablan ng Prima Donnas; Francine Diaz at Beauty Gonzalez ng Kadenang Ginto.
PHOTO/S: Prima Donnas / Kadenang Ginto
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results