GMA News reporter at film director Cesar Apolinario, movie producer Mike Miranda pumanaw na

by PEP Troika
Dec 13, 2019
Pumanaw na ang GMA News reporter at film director na si Cesar Apolinario ngayong Biyernes ng umaga, December 13.
PHOTO/S: Noel Orsal

NOEL FERRER

From his classmates in the University of Sto. Tomas, napag-uusapan ang pagkamatay ng broadcast journalist at director ng pelikula na si Cesar Apolinario.

Bukod sa pagiging reporter ng Kapuso network, naging direktor din siya ng Metro Manila Film Festival 2008 entry na Banal, na sinundan ng Puntod (2009), at Dance of the Steel Bars (2013).

Nakikiramay ang PEP Troika sa pagyao ni Cesar Apolinario.

JERRY OLEA

“A person who will always try to understand what you really mean when you speak.”

Iyan ang paglalarawan ni Direk Cesar sa sarili sa kanyang Twitter account.

Ayon sa source ng PEP Troika, nitong Agosto lamang na-diagnose ang lymphoma ni Direk Cesar.

Pumanaw na rin ang dating movie producer na si Mike Miranda ng Double M Productions nitong Disyembre 12, Huwebes.

Pumutok ang main nerve nito.

Ang lamay ay sa kanilang tahanan sa Cabusao, Camarines Sur.

Kabilang sa mga pelikulang iprinodyus ni Mike Miranda ay Engkanto (1992) na pinagbidahan ni Roderick Paulate sa direksiyon ni Tata Esteban; Itanong Mo Sa Buwan (1988) nina Jaclyn Jose at Mark Gil sa direksyon ni Chito Roño; at Gatas Estanciera (1988) ni Maita Soriano.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Si Tito Mike ang isa sa nagpasikat kay Robin Padilla. Siya ang nagpasimula ng bad boy image ni Robin.

Ilang buwan na ang nakararaan, tumawag pa si Tito Mike sa akin dahil gusto sana niyang makausap si Robin.

Malapit kasi talaga ang aktor sa kanya. Isa ako sa natulungan niya noong nagsisimula pa lang ako sa showbiz.

Nakakagulat din ang pagpanaw ni Direk Cesar.

Masayahin pa naman siyang tao, kahit sa oras ng trabaho noong nakasama ko siya sa first directorial job niyang Banal, na siyang nagbigay sa kanya ng best director ng MMFF 2008.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pumanaw na ang GMA News reporter at film director na si Cesar Apolinario ngayong Biyernes ng umaga, December 13.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results