The Clash finalist Jeremiah Tiangco, inalok ng trip to Thailand at shopping ng isang gay

by PEP Troika
Dec 15, 2019
The Clash Season 2 finalist Jeremiah Tiangco says he is not homophobic: “Hindi naman po ako sa natakot… pero mas naunahan po ako na nagwu-worry na baka kung ano ang mangyari. Hindi naman po natin alam, e. Pero sa ngayon, siguro hindi po."
PHOTO/S: Gorgy Rula / Kapuso PR Girl Instagram

GORGY RULA

Ngayong December 15, Linggo ng gabi, ang grand finals ng The Clash (Season 2) sa GMA-7.

Anim ang maglalaban sa championship, at isa sa pinakamalakas na kinatatakutan ng kapwa clashers ay ang taga-Imus, Cavite na si Jeremiah Tiangco.

Agree silang lahat na mas may edge at puwede talagang sumikat si Jeremiah.

Bukod sa galing niya sa pagkanta, siya ang pinakaguwapo at marami talagang followers.

Karamihan sa supporters niyang dumadagsa sa studio ng GMA-7 ay kababaiha’t bading.

Hindi itinatanggi ni Jeremiah na maraming kabadingan ang nagkakakursunada sa kanya at nakakatanggap din siya ng indecent proposals.

So far, ang isa sa pinakabonggang inalok sa kanya ng mayamang bading ay trip to Thailand at ipagsa-shopping daw siya roon, pero tinanggihan niya ito.

“Sabi ko po… open naman po ako sa kanila, e. Wala pong malisya sa akin.

"Siyempre, nag-iisip din po naman ako kung ano ang puwedeng mangyari, kung ano ang mga possibilities.

Continue reading below ↓

“Siyempre, okay lang po sa akin na mag-travel, basta may kasama kami,” parang naaalangang sagot ng 22-year-old na Caviteño.

So far, wala raw siyang pinatulang bading, at hindi pa siya naging dyowa ng bading.

Pero hindi raw siya homophobic at mahal daw niya ang mga kaibigan at supporters niyang bading.

“Hindi naman po ako sa natakot… pero mas naunahan po ako na nagwu-worry na baka kung ano ang mangyari.

“Hindi naman po natin alam, e. Pero sa ngayon, siguro hindi po.

"Mas ano po talaga ako sa opposite sex,” pakli niya.

Minsan sa mall shows o ilang events na napuntahan niya, hindi naiwasang nahihipuan siya ng mga bading, walang kaso raw ito sa kanya.

“Daming times po, pero okay lang po. Hanggang hipo lang naman.

"Hindi naman po isyu sa akin yun, Sir!” nakangiti niyang sagot sa amin.

Klaruhin ko lang, mga ka-Troika... hindi ko po tinangkang hipuan si Jeremiah.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Ang boyband na JBK na kumanta ng "Anestisya," nahipuan din ng mga bading.

Anila, hindi iyon maiiwasan. Ipinagwawalambahala na lang nila.

Pogilicious ang JBK na binubuo ng 25-year-old na si Joshua Bulot, 27-year-old na si Bryan del Rosario, at 25-year-old na si Kim Ordonio.

Next year, hopefully ay makapag-release sila ng anim na medyo maharot na kanta na pang-international ang timpla, gaya ng "Despacito."

Continue reading below ↓

Payag sila sa sensual o mapanghalinang photo shoot.

Si Joshua nga ay nag-pictorial na nang naka-underwear para sa isang brand.

Siyanga pala, ang official lyrics video ng Anestisya ay may 277K views na sa YouTube.

NOEL FERRER

Sige na nga, naniniwala na kami na wala kang pagtatangka kay Jeremiah, Tito Gorgy.

At sige na nga, naniniwala rin kami na lipas ka na, Tito Jerry, sa mga sensual at mapanghalinang moments.

Kasama ang mga ganyan bilang challenge at spice sa buhay-showbiz!

Masaya at nararanasan at nakikita natin iyan sa mga talent ngayon.

Test of goodness din kung paano nila haharapin ang ganitong realidad.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Clash Season 2 finalist Jeremiah Tiangco says he is not homophobic: “Hindi naman po ako sa natakot… pero mas naunahan po ako na nagwu-worry na baka kung ano ang mangyari. Hindi naman po natin alam, e. Pero sa ngayon, siguro hindi po."
PHOTO/S: Gorgy Rula / Kapuso PR Girl Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results