Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Wish ni Lolit Solis, gayahin ni Angelica Alita si Lani Mercado

by PEP Troika
Dec 16, 2019
Angelica Alita and Vice Governor Jolo Revilla tie the knot in Pelican Hill, Newport Coast, California, USA.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Nagsimula ng 3:30 P.M. nitong Disyembre 15, Linggo, sa Los Angeles, California (Lunes ng umaga sa Pilipinas) ang Christian wedding ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla at ng dating model na si Angelica Alita.

Si Pastor Peter Kairuz ang nag-officiate ng seremonya na dinaluhan ng pamilya at mga malalapit nilang kaibigan.

Ilan sa mga ninong at ninang na dumalo ay si Presidential daughter Mayor Sara Duterte-Carpio, dating Senator Jinggoy Estrada, Congressman Martin Romualdez, Pampanga Governor Lilia Pineda, Cavite Governor Jonvic Revilla, Ramon Ang, at mga tita ni Jolo na sina Mrs. Chaye Cabal-Revilla, Councilor Rowan Mendiola, at Mrs. Gigi dela Riva-Bautista.

Emotional si Jolo at hindi napigilang maluha habang nagmamartsa si Angelica patungo sa kanila.

Hinatid si Angelica ng tatlo niyang kapatid na lalaki.

Nagpaiwan ang mommy nila sa Pilipinas dahil ayaw nitong umalis ng Mindoro. Pumanaw na ang ama ni Angelica.

Suot ni Angelica ang wedding gown na gawa ni Paul Cabral.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Hiningan namin ng mensahe si Manay Lolit Solis para sa bagong kasal.

Sabi ng manager nina Senator Bong Revilla, Mayor Lani, at Vice Governor Jolo, “Sana maging tulad ni Lani si Angel, nasa tabi ng asawa at supportive kahit ano mangyari.

“Ipakita niya kay Jodi Sta. Maria na karapat-dapat siya kahit sandali pa lang ang pagiging BF/GF nila ni Jolo at matagal sina Jodi-Jolo.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“In fairness, mukhang happy si Jolo. Sana nga, forever!”

Best wishes!

NOEL FERRER

Our best wishes kina Jolo at Angel!

At sana, happy rin ang ating correspondent sa wedding na Ka-Troika na si Tito Gorgy, na parang nakahanap ng bagong best friend doon sa katauhan ni Bernard Cloma.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Alita and Vice Governor Jolo Revilla tie the knot in Pelican Hill, Newport Coast, California, USA.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results