Lito Lapid, gustong gumawa ng all-star action film kasama sina Manny, Bong, Robin, Coco

by PEP Troika
Dec 16, 2019
Senator Lito Lapid (left), may pinaplanong action film na mala-Expendables kunsaan ang proceeds ay gagamiting pondo para sa anumang "pangangailangan" sa showbiz.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Inaasam ni Senador Lito Lapid na magsama-sama ang local action stars sa isang maaksiyong pelikula.

"Kinausap ko na si Manny Pacquiao, Bong Revilla, Senate President Tito Sotto, ako, gagawa kami ng parang The Expendables (2010),” lahad ni ‘Pinuno’ sa pa-Christmas lunch nitong Disyembre 16, Lunes, sa Max’s Sct. Tuason St., Quezon City.

Tinagurian si Lapid na ‘Pinuno’ dahil sa karakter niya sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano.

Pagpapatuloy ni Senador Lapid, "Mag-guest kami ng tatlu-tatlong araw lang.

"Kung sampu kaming bida—Robin, Coco, lahat—30 days din iyon. Mahaba-habang pelikula iyon."

Ang tinutukoy niyang kasama ring lead actors ay sina Robin Padilla at Coco Martin.

"'Tapos, sabi ko, ‘Wala tayong bayad.’

"Gusto nga ni Manny Pacquiao, siya na lang ang mag-produce. Siguro, maganda.

"'Tapos, sabi ko, 'Lahat ng kita, ibigay sa showbiz, kung ano ang pangangailangan.' Kasi, doon lang makakaipon ng pondo, e."

Tatanggap sila ng suggestions kung saan-saan ilalaan ang kikitain niyon.

Continue reading below ↓

If ever, sino ang magdidirek ng ensemble action film na iyon?

"Kung ako ang tatanungin, gusto ko, si Coco," mabilis na tugon ni Senador Lapid.

"Nagbubuo rin kasi siya ng istorya. Ewan ko kung paano iyon. Sabi ko, 'Ikaw na lang ang magdirek.'

"Pero sabi niya, 'Mahihirapan ako dahil kapwa artista natin 'yan.' Sabi ko, 'Mamili tayo ng direktor na iba.' Saka kung sino ang magandang mag-submit ng project, ng istorya, tingnan natin.'

Bukod sa kanila nina Pacquiao, Bong, Tito, Robin, at Coco, ikinukunsidera rin sa nasabing project sina Phillip Salvador at Ronnie Ricketts.

"Ibabalik natin lahat iyan. Kailangan lang, wala nang selosan. Basta trabaho lang," sabi pa ni Senador Lapid, na fight director sa MMFF 2019 entry na 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon.

GORGY RULA

Noong nakaraang Pebrero, naikuwento ni Monsour del Rosario na may alok si Ronnie Ricketts upang magbida silang tatlo nina Robin Padilla sa isang action movie.

Continue reading below ↓

Naiulat iyon ni Tito Jerry rito sa PEP.ph, remember?

Gusto rin ni Monsour ng action film na may ensemble cast na mala-The Expendables, at bet niyang makasama rin sa movie project na iyon sina Jeric Raval, Lito Lapid, Bong Revilla, Jinggoy Estrada, at Edu Manzano.

Siyempre, hindi na isyu rito ang billing. If ever, alphabetical na lang.

Sana nga, mag-materialize ang pagsasama-sama ng local action stars sa tamang panahon!

NOEL FERRER

Aside from the stars, the key is a good story!

Sana nga ay mag-take off ang project na ito, pero good luck sa production cost at pag-i-sched ng mga artista.

Basta para sa atin, anuman ang initiatives na magsasama-sama at magkakatulungan ang mga kasamahan natin sa industriya ay susuportahan natin!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Lito Lapid (left), may pinaplanong action film na mala-Expendables kunsaan ang proceeds ay gagamiting pondo para sa anumang "pangangailangan" sa showbiz.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results