Mayor Sara Duterte, kinumpirma ang pagiging close nila ni Sharon Cuneta

by PEP Troika
Dec 17, 2019
Kabilang si Davao City Mayor Sara Duterte sa mga ninang sa kasal nina Cavite Vice Governor Jolo Revilla at Angelica Alita na ginanap sa Los Angeles, California, USA, noong December 15.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Isa sa pinagkaguluhan ng mga kababayan nating Pinoy na dumalo sa kasal nina Vice Governor Jolo Revilla at Angelica Alita noong December 15, Linggo, sa Los Angeles, California ay ang isa sa mga ninang na si Davao City Mayor Inday Sara Duterte.

Pinagbibigyan ni Inday Sara ang lahat ng gustong magpa-picture sa kanya.

Pero ang nakakatuwa sa kanya, pagkatapos ng seremonya ay tumakbo siya sa piano sa tabi ng altar para magpa-picture.

Tinanong ko kung nagpa-piano ba siya.

Sagot niya, “Hindi, Sir, pang-Instagram lang.”

Kinorner ko na siya roon para tsikahin sandali.

Kaya raw siya kinuhang ninang sa kasal ay dahil magkaibigan sila nina Senator Bong Revilla at Mayor Lani Mercado.

Kinumpirma rin ni Inday Sara na matagal na silang magkaibigan ni Sharon Cuneta.

Binanggit kasi ng Megastar sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kaya hindi siya magagalit kay President Duterte, kahit ano pang sabihin nito, ay dahil close siya sa Pangulo mula noong maliit pa si Inday Sara.

Continue reading below ↓

Kuwento naman ng presidential daughter, “Una ko siyang na-meet, I think 12 years old ako.

"First time ko siya na-meet doon sa Davao for a concert.

"Nag-request ako sa father ko na kung puwede i-request na i-meet ko siya.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Lumaki kasi ako sa Sharon Cuneta songs, Sharon Cuneta movies, and hanggang ngayon, lahat ng mga activities niya, sinusundan ko."

Hindi man sila madalas nag-uusap, hindi nila nakakalimutang magbatian sa isa’t isa kapag may mga mahahalagang events na ipinagdiriwang, gaya ng birthday at Pasko.

Ewan ko kung matutuloy, pero tsika sa akin ng sobrang ma-PR na Bernard Cloma, inaayos na niya ang endorsement ni Inday Sara sa isang malaking kumpanya.

Magiging endorser na rin ang alkalde ng Davao.

JERRY OLEA

Who’s afraid of Inday Sara Duterte?

Siyempre, hindi ang Mega-PR na si Bernard Cloma, na malapit din kay Senador Manny Pacquiao.

Darating kaya ang panahon na kailangang mamili tayo sa Team Pacquiao at Team Inday Sara?

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Grabe lang ang timing.

Nataon namang nasa US si Inday Sara habang nasalanta ng lindol ang mga kababaayan niya sa Davao.

I hope all is well na!

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang si Davao City Mayor Sara Duterte sa mga ninang sa kasal nina Cavite Vice Governor Jolo Revilla at Angelica Alita na ginanap sa Los Angeles, California, USA, noong December 15.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results