Philippine entry na Verdict, ligwak sa shortlist ng International Feature Film ng Oscars 2020

by PEP Troika
Dec 18, 2019
The Philippines' Verdict, starring Max Eigenmann, failed to make it to the shortlist of the International Feature Film category of Oscars 2020.

JERRY OLEA

Verdict is out.

Ligwak ang Pilipinas sa shortlist ng kategoryang International Feature Film (dating Foreign Language Film) ng Oscars 2020.

Ang sampung pasok sa banga ng shortlist—in alphabetical order by country—ay ang mga sumusunod:

Czech Republic, The Painted Bird

Estonia, Truth and Justice

France, Les Misérables

Hungary, Those Who Remained

North Macedonia, Honeyland

Poland, Corpus Christi

Russia, Beanpole

Senegal, Atlantics

South Korea, Parasite

Spain, Pain and Glory

Continue reading below ↓

Parasite, South Korea

Ninety-one (91) films ang eligible sa kategoryang ito, kung saan ang isinumite ng Pilipinas ay ang pelikulang Verdict na tinampukan nina Max Eigenmann at Kristoffer King, sa direksiyon ni Raymond Ribay Gutierrez.

Ito ang ika-31 aspiring entry ng Pilipinas sa Oscars.

Ang nominations para sa 92nd Oscars o Academy Awards ay ihahayag sa Enero 13, 2020 ng umaga.

Ang awards night ay nakatakda sa Pebrero 9, 2020, Linggo, sa Dolby Theatre, Hollywood & Highland Center, Hollywood, California.

Ite-televise ito nang live sa ABC Television Network, maging sa mahigit 225 bansa at teritoryo.

NOEL FERRER

The Verdict is Out na talaga! Paano na kaya tayo magiging In?!

Magandang i-project ito ng ating bagong Film Academy of the Philippines (FAP) Director-General Vivian Velez na talagang maghanap at sumuporta para makapag-produce tayo ng pelikulang Oscar-worthy.

Malaking suporta ang kailangan mula sa gobyerno para mapagtagumpayan ito.

Sana, ito ang isa sa mga bagay na magbubuklod sa FAP at Film Development Council of the Philippines (FDCP) ni Chair Liza Diño.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Noong nakaraang Abril lamang ginawang International Feature Film ang pangalan ng kategoryang Foreign Language Film sa Oscars.

Paano kamo napili ang mga na-shortlist sa naturang kategorya?

Inanyayahan ang Academy members sa lahat ng sangay para mag-participate sa preliminary round. Kailangang napanood nila ang submitted films sa sinehan.

May minimum viewing requirement upang maging eligible na bumoto sa kategorya.

Pito ang choices ng Academy members. Idinagdag doon ang tatlong selections na pinagbotohan ng International Feature Film Award Executive Committee ng Academy.

Ang most recent winner sa kategoryang ito ay ang Roma ng bansang Mexico.

Idinirek ito ni Alfonso Cuaron, at streaming pa rin sa Netflix.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Philippines' Verdict, starring Max Eigenmann, failed to make it to the shortlist of the International Feature Film category of Oscars 2020.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results