Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

The Clash Season 2 grand finals, panalo sa ratings

by PEP Troika
Dec 18, 2019
The grand finals of The Clash Season 2, where Jeremiah Tiangco was declared champion, topped the ratings game last Sunday, December 16.
PHOTO/S: Noel Orsal

GORGY RULA

Nangangamoy Season 3 ang The Clash dahil maganda ang resulta ng katatapos lang na Season 2.

Marami pa ang natuwa sa pagkapanalo ni Jeremiah Tiangco ng Imus, Cavite. Siya talaga ang kinatatakutan ng karamihan ng Clashers.

Panalo rin ang The Clash sa ratings, base sa data ng AGB Nielsen.

Noong Sabado, December 14, kung saan nagkaroon ng The Clash concert, nakakuha ito ng 8.4%, at dumikit ang Home Sweetie Home na may 8.2%, at 8.3% naman ang Your Moment.

Noong nakaraang Linggo, December 15, nakapagtala ang grand finals ng The Clash ng 11.1%, samantalang at 9.6% ang Your Moment at 7.6% ang The Haunted.

Ang ilang programa pa noong nakaraang Sabado...

5% ang Kuha Mo, at 5.6% ang 24 Oras.

Ang Pepito Manaloto ay 7.7%, at 7.5% ang TV Patrol.

8.1% ang special ng ABS-CBN 2 na Family is Love vs. Part 2 ng anniversary special ng Magpakailanman na 9.7%.

Continue reading below ↓

Noong Linggo naman, naka-4.1% ang Sunday Pinasaya, at 4.7% ang ASAP Natin ‘To.

Consistent pa ring mataas ang Kapuso Mo, Jessica Soho na may 15.8% vs. Part 2 ng Family is Love na may 4.7%.

Nakakatuwa ring nakapagtala ng 5.1% ang The Boobay And Tekla Show na meron silang Mr. Palito contest, at tinalbugan ang replay ng ABS-CBN na Miss Universe 2019 na may 1.5% lamang.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

NOEL FERRER

Hindi ko man nasundan ang second season ng The Clash, si Jeremiah ay ang dating "Tawag Ng Tanghalan" contestant na nanalo ng daily contest at hindi umabot ng semifinals.

Suwerte-suwerte lang talaga, at heto siya bilang Grand Winner ng The Clash Season 2.

Sana ay mapasikat siya ng GMA-7 at makahanap ng sariling puwang sa industriya.

Looking forward to Season 3 ng The Clash!

JERRY OLEA

Ayon sa National TV Ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media noong Disyembre 14, Sabado, nakuha ng Kapamilya Network ang Top 4 slots.

Continue reading below ↓

Umarangkada ang Your Moment na naka-19.5%, kontra sa Daddy’s Gurl na naka-12.9%.

First runner-up ang Home Sweetie Home Extra Sweet na naka-18.2%, kontra sa The Clash na naka-15.1%.

Pangatlo ang TV Patrol Weekend na naka-16.6%, kontra sa 24 Oras Weekend na naka-10.5%, at Pepito Manaloto Ang Tunay na Kuwento na naka-14.3%.

Pang-apat ang Family Is Love: The ABS-CBN Christmas Special (Part 1) na naka-16.1%, kontra sa Magpakailanman episode ni Dennis Trillo na naka-15.4%.

Iyong I Can See Your Voice Mystery Music Game Show ay naka-7.1%, kontra sa Miss World 2019 na naka-5.8%.

Noong Disyembre 15, Linggo, talbog ang Family Is Love: The ABS-CBN Christmas Special (Part 2) na naka-9.7% lamang, inilampaso ng Kapuso Mo, Jessica Soho na naka-25.5%. Waging-wagi!

Ang Your Moment ay naka-20.2%, dinaig ang Daig Kayo Ng Lola Ko na naka-16%.

Taob ang The Haunted na naka-15.4%, kontra sa grand finals ng The Clash na 19.8%. Bravo!

Ang Rated K ay naka-17.7%, kontra sa Amazing Earth na naka-14.2%.

Continue reading below ↓

Ang ASAP Natin ‘To ay naka-9.3%, kontra sa Sunday Pinasaya na naka-8.6%.

Ang replay ng Miss Universe 2019 sa Sunday’s Best ay naka-3.6%, kontra sa The Boobay and Tekla Show na nagmaganda sa 8.4%.

Nasa TBATS ang korona!

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The grand finals of The Clash Season 2, where Jeremiah Tiangco was declared champion, topped the ratings game last Sunday, December 16.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results