MMFF 2019: Vice Ganda, magreyna kayang muli sa takilya?; Coco Martin, bagong hari ng MMFF?

by PEP Troika
Dec 25, 2019
Inaasahan ng industry insiders na magrereynang muli sa takilya ang entry ni Vice Ganda (kaliwa) na The Mall, The Merrier sa MMFF 2019; habang inaasahan ding maghahari sa takilya ang entry ni Coco Martin (kanan) na 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon.
PHOTO/S: Noel Orsal

JERRY OLEA

Merry Christmas!

Inaasahan nating magrereyna muli sa takilya ng MMFF si Vice Ganda sa official entry niyang The Mall, The Merrier.

Kapwa bida niya rito si Anne Curtis na mabango rin sa takilya. E, nagdadalantao pa si Anne, at sa pamahiin o paniniwala natin ay masuwerte ang buntis.

Buo ang puwersa ng Kapamilya Network sa promo ng pelikula, at tumutulong din ang Viva Films.

Tampok din sa The Mall, The Merrier ang kasintahan ni Vice na si Ion Perez.

Malamang sa alamang, mag-number one sa City of Manila ang 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon kung saan may cameo si Yorme Isko Moreno.

Si Paloma ang nagsabog ng alindog sa Parada ng mga Bituin noong Disyembre 22, Linggo, sa Taguig City.

Kinabukasan, Disyembre 23, Lunes, nag-motorcade sina Coco Martin at Yorme Isko Moreno sa Manila.

Sa standee at final poster ng 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon, wala nang “and” sa unahan ng pangalan ni Coco. Nalipat ang “and” kay Edu Manzano.

Continue reading below ↓

Nai-suggest mo iyon, di ba, Tito Gorgy?

Si Coco ang Hari ng Telebisyon. Puwede bang sabihin natin na siya na ang Hari ng MMFF, with Vice Ganda as the Queen?

Ewan kung sasang-ayon diyan ang masusugid na tagahanga at tagasubaybay ni Bossing Vic Sotto.

Asado, hopia at expectorant tayo na pasok sa Magic 3 ng 45th MMFF box office ang Mission Unstapabol: The Don Identity ni Bossing.

Bidang-bida rin dito si Maine Mendoza bilang Donna Cruise, kaya ang anthem niya ay "Kapag Tumibok Ang Puso."

Sa pagtibok ng puso ni Maine para kay Arjo Atayde, meron pa bang magagawa ang AlDub Nation?

Teka! Pinanood ba ni Alden Richards iyong Isa Pa, With Feelings?

Itong Mission Unstapabol: The Don Identity, panonoorin kaya ni Alden?

GORGY RULA

Buong bansa, mapapanood ang walong pelikulang kalahok sa 45th Metro Manila Film Festival.

Makukuha natin agad ang resulta sa Metro Manila. Pero malaking bagay ang mga manonood sa mga probinsIya.

Continue reading below ↓

Kaso, binabayo ngayon ng malakas na bagyong Ursula ang ilang bahagi ng Kabisayaan. Nagkaroon pa raw ng lindol sa Cagayan.

Ipagdasal natin na ligtas ang mga kababayan nating naapektuhan ng ganitong trahedya.

Sana mairaos nila ang Pasko kahit binagyo man sila o nilindol.

NOEL FERRER

Sana nga ay maraming manood ng mga lahok sa 45th MMFF dahil talagang mas angat sa kalidad ang entries ngayon kumpara sa nakalipas.

Ang panalangin ko rin, ikalat ang dami ng kita sa maraming pelikula at hindi sa iilan lang—para everybody happy!

Kita-kita tayo sa mga sinehan!!!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inaasahan ng industry insiders na magrereynang muli sa takilya ang entry ni Vice Ganda (kaliwa) na The Mall, The Merrier sa MMFF 2019; habang inaasahan ding maghahari sa takilya ang entry ni Coco Martin (kanan) na 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results