Sunod, Write About Love, Miracle in Cell No. 7 makapasok kaya sa MMFF 2019 topgrossers?

by PEP Troika
Dec 25, 2019
(L-R) Carmina Villarroel in Sunod, Joem Bascon and Yeng Constantino in Write About Love, and Aga Muhlach in Miracle In Cell No. 7.
PHOTO/S: Sunod / Write About Love / Miracle in Cell No. 7

JERRY OLEA:

Mangangabayo muli sa takilya ng Metro Manila Film Festival (MMFF) si Vice Ganda, at aariba rin sa karera sina Coco Martin at Vic Sotto.

Aba! Si Paloma, hindi magpapahuli. May theater tour today para sa 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon.

Aling official entry ang dark horse?

Realistic ang producers ng horror movie na Sunod. Target nito ang 4th place.

Aba! Nasa likod ng Sunod ang mga bumuo sa Siargao na umarangkada sa MMFF two years ago.

Puwede ring makasilat ang tanging romcom ng 45th MMFF, ang Write About Love.

Swak ang pagkandong dito ni Yeng Constantino kay Joem Bascon. Nakakakilig din ang amuyan nila ng kili-kili.

May captive market na ang Miracle in Cell No. 7, na adaptation ng 2013 South Korean film of the same title. Matunog na magbe-best actor dito si Aga Muhlach.

Sa Disyembre 27, Biyernes, ang Gabi ng Parangal ng 45th MMFF sa New Frontier Theater, Araneta City, Quezon City.

Continue reading below ↓

Kung hahakot ng tropeyo ang Mindanao o Culion, malaking tulong iyon sa pelikula.

Sa MMFF last year, nangungulelat ang Rainbow’s Sunset at pakonti nang pakonti ang mga sinehan.

Pero nang humakot ng awards ang Rainbow’s Sunset, nadagdagan nang nadagdagan ang theaters nito, at siyempre pa, dumami ang mga manonood.

Si Joem Bascon, tampok sa mga pelikulang Write About Love at Culion. Siyempre, inaasam niyang parehong kumita ang dalawang pelikula.

Llamado si Judy Ann Santos na mag-best actress para sa Mindanao.

Ang pagganap niya rito ay nagpanalo na sa kanya ng best actress trophy sa 41st Cairo International Film Festival sa Egypt.

NOEL FERRER:

Aside from the awards na malaking tulong sa box-office draw ng mga pelikula, kumpirmado ang pagdalo nina Nora Aunor, Maricel Soriano, Amy Austria, at Vilma Santos sa Gabi ng Parangal sa December 27.

Confirmed din sina Boyet de Leon at Cesar Montano at ang mga winningest directors, writers, at lahat ng mga alagad ng sining ng pelikula!

Excited tayo dahil maganda ang selection ng mga pelikula ngayong taon kaya gusto nating lahat ay kumita para makabawi sila at maengganyo pang gumawa ng maraming magagandang pelikula.

GORGY RULA:

Mukhang iyong tatlong pampamilyang pelikula ang maglalaban-laban ngayong araw ng Pasko.

Sana huwag masyadong malayo ang agwat ng ibang pelikulang sumusunod sa tatlong ito.

Pero ang sabi ng karamihang producers, madalas na ang first four topgrossers lang ang nakakabawi sa puhunan nila.

Kaya sana, malaki-laki rin ang kikitain ng panlima hanggang sa panghuli.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(L-R) Carmina Villarroel in Sunod, Joem Bascon and Yeng Constantino in Write About Love, and Aga Muhlach in Miracle In Cell No. 7.
PHOTO/S: Sunod / Write About Love / Miracle in Cell No. 7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results