Aktor, may anak na special child sa US-based businesswoman

by PEP Troika
Dec 26, 2019
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

GORGY RULA

May nadaluhan akong pagtitipon ng mga kababayan natin dito sa Cerritos, California.

Isinama ako ng kaibigang si Oliver Carnay, at doon ko nalamang event pala iyon ng kaibigan ding si Monet Lu kasama sina Gandi Villareal at Lou Razon.

Doon ko nakatsikahan ang isang businesswoman na dating nakarelasyon ng isang kilala at active pa ring character actor.

Limang taon ang naging relasyon nila at nagkaroon sila ng isang anak na lalaki—na isang special child.

Itinuro sa akin ng businesswoman ang kanyang anak sa aktor.

Kamukhang-kamukha ni aktor ang bagets at hindi maitatangging kanya ito.

Hindi naman itinatanggi ni aktor ang tungkol sa kanyang anak, na minsan ay nababanggit niya sa ilang interviews.

Hindi ko lang maalala kung nabanggit ba niyang special child itong anak niya.

Pero sabi ng businesswoman na dating nakarelasyon ni aktor, sana ay huwag nang mabanggit pa ito dahil parang nagagamit lang ang kanilang anak sa pagka-showbiz ni aktor.

Continue reading below ↓

Wala silang nakuhang suporta kay aktor, pero nagpapasalamat pa rin siya dahil doon siya naging matibay at lalong nagpursigi sa buhay kaya nakamit niya ang tagumpay na tinatamasa niya.

Masaya na siya para sa aktor dahil maganda ang career nito. Okay lang daw kung hindi na maalala nito ang kanilang anak.

Balak ni businesswoman na magtayo ng isang branch ng negosyo niya sa Pilipinas. Posibleng magkita sila ni aktor at mabuhay muli ang isyu nilang dalawa.

Iyon ang iniiwasan ng businesswoman dahil gusto niyang tahimik na lang ang buhay ng kanyang anak.

JERRY OLEA

May asawa na sa Pilipinas ang nasabing aktor.

Iyong kasal niya ay inindiyan ng isang beteranang aktres, di ba?

Marunong makisama si aktor sa mga kapwa artista. Mapagkumbaba.

Nakilala man siya sa mga mapangahas na pelikula, napatunayan niyang marunong siyang umarte kaya nagtagal siya sa industriya.

NOEL FERRER

Iba ang pagkakakilala ko sa aktor na ito, bagamat titillating films ang pinanggalinggan.

Continue reading below ↓

Dati siyang kinakantiyawang gumagamit ng labakara sa kanyang hinaharap pero nag-evolve siya as an actor. At nagbagong-buhay at umayos with his family life.

Sana kasama ng pagbubuo niya ang pag-aasikaso sa kanyang special child.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results