Pokwang, inalmahan ang first day-last day ng Culion at Mindanao sa ilang sinehan

by PEP Troika
Dec 27, 2019
Umapela si Pokwang sa pamunuan ng MMFF na huwag agad alisin sa sinehan ang MMFF 2019 entries na mababa ang kita.
PHOTO/S: @itspokwang27 Instagram
ILLUSTRATION: Rachelle Siazon

JERRY OLEA:

Wagas ang himutok ni Pokwang, aka Marietta Subong, sa Facebook nitong Disyembre 27, Biyernes ng umaga.

Post ng comedienne na nasa cast ng 45th MMFF official entry na Mission Unstapabol: The Don Identity:

"Nakakalungkot naman ang asal ng karamihan ng sinehan sa 'Pinas!! 'Wag naman tayo puro sa pera lang kasi di naman natin madadala sa hukay yan!

"Tao po... MMDA Head Office, magkaroon sana kayo ng dialogue with mga sinehan or agreement na sana yung mga pelikulang kagaya ng Culion at Mindanao ay bigyang prioridad din at wag alisin agad sa sinehan para lang mas kumita kayo!

"Wag nyong alisin at burahin sa isipan ng henerasyon ngayon ang kwento ng ating lahi! History yan, ika nga, ano ba kayo???"

Umaapela si Pokwang sa Metro Manila Development Authority (MMDA) executives na siyang namumuno rin ng Metro Manila Film Festival (MMFF).

Kaugnay ito ng first day-last day na sistema sa ibang sinehan na nagpu-pull out ng mga pelikulang hindi patok sa takilya.

Continue reading below ↓

"Hindi ako nagpapakamatalino or nagpapanggap na honor student pero kasi nakakaawa naman din mga ganitong pelikula na pinaghirapan din naman at ginastusan ng mga producers na maliliit, ika nga.

"Kahit tig-isang sinehan lang sana sa bawat mall nation wide, sana next time ang hindi mag-participate na sinehan ay wag din lagyan ng mga malalakas na movie! Yung mga mall lang na hindi swapang ang lagyan haahhaa

"Sana, pantay kayo sa pagtrato sa lahat ng pelikula tuwing festival, once a year lang ito.

"Hoy, ano ba!! Konting sakripisyo naman para sa kwento ng bayan, hindi ng inyong kaban!!”

Ang dyowa ni Pokwang na si Lee O’Brian ay kasama sa cast ng Culion.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER:

Naiintindihan ko ang hinaing ni Pokwang at kaisa niya kami sa panawagang ito.

Pero bukod sa mga sinehan, ang sabay nating kinakalampag ay ang mga manonood, na yakyak nang yakyak na kesyo gusto nila ng de kalidad na mga pelikula sa MMFF, nasaan po kayo?

Ngayon ninyo ipakita ang malasakit ninyo sa industriya!

As I said, put your money where your mouth is! Nariyan na po ang magagandang pelikula na hiling ninyo.

Bakit yung iba ay nasi-zero ang box-office sales sa ibang mga sinehan? Paano ‘yan?

Hanggang ingay na lang ba ang iba riyan at hindi tataya?

GORGY RULA:

Ito rin ang ini-emote ni Jasmine Curtis-Smith sa Twitter dahil may fans silang nagrereklamo dahil nakabili na raw sila online ng tickets ng Culion, pero pagdating sa sinehan na iyon, tinanggal na pala.

Matagal nang isyu ito sa theater owners, pero tila wala pa ring naresolba sa problemang ito.

Continue reading below ↓

May mga nakakaintindi kasi sa kalagayan ng theater owners na kailangan nilang kumita, lalo na sa MMFF kung saan sila nakakabawi sa local films.

Pero sana, mag-iwan kahit tig-isang sinehan lang sa bawat mall ng mga pelikulang mahina.

Huwag namang tanggalan na lang basta. Paano nga naman sila makakabawi niyan?

Abangan na lang natin mamaya pagkatapos ng awards night, tiyak na hahakot ng awards ang isa o dalawang mahinang pelikula.

Sana, kagaya ng Rainbow’s Sunset noong nakaraang taon na ibinalik ang mga sinehan nilang nawala.

Sana, patuloy pa rin sa pagpu-promote ang mga artistang involved sa mga mahihinang pelikula.

Magsipag pa sa theater tour at hanap pa ng mga sponsors para mag-block screenings!

Si Maine Mendoza, nag-ikot sa mga sinehan para makasama ang fans sa panonood ng Mission Unstapabol: The Don Identity.

Sina Aga Muhlach, Bela Padilla, at Xia Vigor, nag-theater tour nitong Disyembre 26, Huwebes, bilang pasasalamat sa pagtangkilik ng moviegoers sa Miracle in Cell No. 7.

Continue reading below ↓

Si Vice Ganda, tuloy rin ang pagpo-promote mula SM Megamall sa Quezon City hanggang Pampanga.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Umapela si Pokwang sa pamunuan ng MMFF na huwag agad alisin sa sinehan ang MMFF 2019 entries na mababa ang kita.
PHOTO/S: @itspokwang27 Instagram
ILLUSTRATION: Rachelle Siazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results