Aga Muhlach at Judy Ann Santos, sure winners na sa MMFF 2019 Gabi ng Parangal?

by PEP Troika
Dec 27, 2019
Sina Aga Muhlach ng Miracle In Cell No. 7 at Judy Ann Santos ng Mindanao ang matunog na mananalo ng top acting honors sa 45th MMFF Gabi ng Parangal ngayong December 27.

JERRY OLEA

Llamado na mag-best actor si Aga Muhlach sa 45th MMFF para sa tearjerker na Miracle in Cell No. 7.

Matunog na mag-best actress si Judy Ann Santos para sa Mindanao, pero puwedeng makasilat si Carmina Villarroel para sa Sunod.

Mahigpit ang labanan sa pagiging best supporting actor at best supporting actress.

Bet ko si JC Santos na tampok sa Miracle in Cell No. 7, maging sa Sunod.

Si Tirso Cruz III, mahusay sa Miracle in Cell No. 7 at 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon ngunit maikli ang screen time niya kaya kulang sa impact.

Dalawa rin ang entry ni Joem Bascon, ang Culion at Write About Love.

Sakdal husay rin ang iba pang co-stars ni Aga sa Miracle in Cell No. 7, gaya nina Joel Torre, John Arcilla, Jojit Lorenzo, Soliman Cruz, at Mon Confiado.

Mas may laban si Bela Padilla sa kategoryang best supporting actress para sa Miracle in Cell No. 7.

Continue reading below ↓

Naalala ko tuloy ang MMFF 1999 entry na Bulaklak ng Maynila, kung saan best actress si Elizabeth Oropesa, at best supporting actress si Angelu de Leon.

Katanggap-tanggap ding maging best supporting actress si Yeng Constantino para sa Write About Love, si Xia Vigor para pa rin sa Miracle in Cell No. 7, si Jasmine Curtis-Smith para sa Culion, at si Mylene Dizon para sa Sunod.

May laban ba sa best picture ang Miracle in Cell No. 7 gayong remake ito ng 2013 South Korean film of the same title? May adaptation din ito sa India at Turkey.

Dalawang awards ang posibleng makamit ng The Mall, The Merrier—best float at best visual effects.

Ngayong Disyembre 27, Biyernes, ang Gabi ng Parangal sa New Frontier Theater, Araneta City, QC.

5 P.M. mag-o-open ang gates. 6 P.M. ang Red Carpet Ceremonies.

GORGY RULA

Sana, ang pelikulang hahakot ng awards ay yung nasa panlima hanggang pangwalong puwesto, para posibleng makabawi sila at maaring ibalik ang mga nawala nilang sinehan.

Continue reading below ↓

Maaring ang Culion, ang Mindanao o ang Write About Love?

Samantala, inaabangan ng karamihan kung si Aga Muhlach nga ba ang magwawaging best actor.

Nangako kasi siyang magpa-party siya sa movie press kapag siya ang magwawaging best actor.

Malaking bagay iyan kay Aga, bilang napakatipid ng taong ‘yan. Deserved niya ang award na ito kung sakaling sa kanya mapunta.

Lalo na kay Judy Ann Santos na ubod ng galing sa Mindanao.

Kabilang ang mga respetadong artists sa mga hurado kaya malamang na tumama ang hula ng karamihan.

NOEL FERRER

Simula nang pamahalaan namin ang MMFF four years ago, walang naging issue sa mga resulta ng awards.

Kaya sabi ko nga, with a lot of the Hall of Famers as members of the jury, masusing pinag-uusapan at pinagdedebatehan ang resulta ng awards.

Malalaman natin kung sinu-sino ang bumubuo ng esteemed board of jurors mamayang gabi, at hindi natin alam kung sinu-sino ang mga nominado hangga’t mamayang gabi.

Continue reading below ↓

Kaya napansin ninyo, walang leak sa mga nakalipas na MMFF at lahat ay tanggap ang resulta.

Mahigpit ang mga naglalaban-laban, pero babalik pa rin ako sa sinabi kong, sana, yung mga magagaling na nagngangakngak na bakit nawawalan na ng sinehan ang mga magagandang pelikula... nasaan na kayo para tayaan at suportahan ang mga pelikulang ipinagmamalaki natin?

Gastusan at suportahan natin agad nang hindi ma-ZERO sa sinehan!

Imbes na magreklamo, sumuporta na lang tayo!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sina Aga Muhlach ng Miracle In Cell No. 7 at Judy Ann Santos ng Mindanao ang matunog na mananalo ng top acting honors sa 45th MMFF Gabi ng Parangal ngayong December 27.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results