Pelikula nina Aga, Vic, Coco, at Vice inisnab sa MMFF 2019 Gabi ng Parangal

by PEP Troika
Dec 28, 2019
Humakot ng 11 tropeyo ang Mindanao sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival 2019, kabilang na ang best picture.
PHOTO/S: Allan Sancon

JERRY OLEA

Scratch-In Lucky Stars of the Night sina Aga Muhlach at Carmina Villarroel sa 45th MMFF Gabi ng Parangal nitong Disyembre 27, Biyernes, sa New Frontier Theater, Araneta City, Quezon City.

May kalakip iyong PHP20,000. Ewan kung pampalubag-loob iyon dahil talo sila sa labanan sa akting.

Humakot ng labing-isang tropeyo ang Mindanao—best actress (Judy Ann Santos), best actor (Allen Dizon), best picture, best director (Brillante Mendoza), best child performer (Yuna Tangog), FPJ Memorial Award for Excellence, Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Award, best visual effects (Team App), best sound (Hiroyuki Ishizaka), Gender Sensitivity Award, at best float.

May kalakip na PHP100,000 ang best actor at best actress, courtesy of Frontrow. Ayon kay RS Francisco na pinuno ng Frontrow, ibinigay na nila iyong nasabing pera.

Nakawalong tropeyo ang Write About Love—best supporting actress (Yeng Constantino), best supporting actor (Joem Bascon), 2nd best picture, Special Jury Prize (scriptwriter-director-songwriter Crisanto B. Aquino), best screenplay (Crisanto B. Aquino), best musical score (Jerrold Tarog), best original score ("Ikaw Ang Akin," written by Crisanto Aquino, sung by Yeng Constantino), at best editing (Vanessa de Leon).

Continue reading below ↓

Nakatatlong tropeyo ang Sunod—3rd best picture, best production design (Ericson Navarro), at best cinematography (Mycko David).

Isa ang award ng Culion—Special Jury Prize for Ensemble Acting.

Walang ‘Miracle’?! Ang ‘Miracle’ ay nasa puso ng tao!

Opo! Wala ni isang award ang Miracle in Cell No. 7, na remake ng 2013 South Korean film of the same title.

Ngangey rin ang The Mall, The Merrier, 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon, at Mission Unstapabol: The Don Identity.

NOEL FERRER

Nasa Rules ng Playdate Committee at agreement with the producers na walang maglalabas ng ranking o box-office gross until the end of the festival.

This was agreed upon para patas ang lahat at susuportahan lahat-lahat ng pelikulang lahok.

Kaya ang inuulit-ulit kong linya ngayong taon—tumaya ang MMFF Selection Committee na bigyan kayo ng magagandang pelikula, nasaan ang mga critical at enlightened viewers na ito? Magbabayad ba ng ticket o hihingi ng compli passes, o maghihintay na lang sa Netflix?

Continue reading below ↓

Tulungan natin itong magagandang pelikula para panoorin.

Nakikinig ang mga sinehan. Kung may demand ang mga tao sa mas marami pang sinehan, maipapangako ba nating tatauhin natin ito? Sana!

O sana man lang, may active na magpapa-block screening sa Sunod, Mindanao, Culion, at Write About Love.

Yung other films kasi ay may sarili nang palo.

Sana puwedeng magtulungan ang audience at sinehan. Puwede kaya? Sana!

JERRY OLEA

Kinabog ni Judy Ann Santos (Mindanao) sa kategoryang best actress sina Carmina Villarroel (Sunod) at Miles Ocampo (Write About Love).

Tinalo ni Allen Dizon (Mindanao) sa karera ng best actor sina Aga Muhlach (Miracle in Cell No. 7) at Rocco Nacino (Write About Love).

Taob kay Yeng Constantino (Write About Love) bilang best supporting actress sina Meryll Soriano (Culion) at Krystal Brimner (Sunod).

Talbog kay Joem Bascon (Write About Love) bilang best supporting actor sina Soliman Cruz (Miracle in Cell No. 7) at JC Santos (Sunod).

Continue reading below ↓

Kinabog ni Yuna Tangog (Mindanao) bilang best child performer sina Xia Vigor (Miracle in Cell No. 7) at Rhed Bustamante (Sunod).

Hindi na-nominate sina Bela Padilla (Miracle in Cell No. 7), Iza Calzado (Culion), Jasmine Curtis-Smith (Culion), Mylene Dizon (Sunod); ang mga bida ng The Mall, The Merrier na sina Vice Ganda at Anne Curtis; ang mga bida ng 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon na sina Coco Martin, Ai-Ai delas Alas, at Jennylyn Mercado; maging ang mga bida ng Mission Unstapabol: The Don Identity na sina Vic Sotto at Maine Mendoza.

Mindanao, Write About Love, at Sunod lamang ang naglaban-laban sa karamihan ng mga kategorya.

Akala ko nga ay sa 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon ipagkakaloob ang FPJ Memorial Award for Excellence, ngunit nakamit pa rin iyon ng Mindanao.

GORGY RULA

Gusto ko ang lineup ng winners! Magaganda kasi ang halos lahat na mga pelikulang kalahok.

Hindi ko pa napanood ang ilang pelikula, pero napanood ko na ang Write About Love at gustung-gusto ko talaga roon si Yeng Constantino, kaya masaya ako sa pagkapanalo niya.

Continue reading below ↓

Gusto ko sana si John Arcilla ng Miracle in Cell No. 7 sa Best Supporting Actor category, pero hindi pala siya nominado. Kaya okay na rin na si Joem ang wagi.

Sana makabawi na ang Mindanao dahil marami ang maku-curious sa pelikulang ito.

Sana lalong naging solid ang mga kapatid nating Muslim na suportahan ang pelikulang ito.

At sana, makaahon na rin ang mga kababayan natin sa Kabisayaan at Mindanao na hinagupit ng bagyong Ursula, para may panahon na silang makapanood ng MMFF movies.

Sana lalong tumaas ang kikitain ng December filmfest this year at malagpasan ang kinita noong nakaraang taon.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Humakot ng 11 tropeyo ang Mindanao sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival 2019, kabilang na ang best picture.
PHOTO/S: Allan Sancon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results