MMFF 2019 winners' circle: Maraming agree, pero may ilan pa ring kumukuwestiyon

by PEP Troika
Dec 29, 2019
Metro Manila Film Festival 2019 Best Picture winners: Mindanao (Best Picture), Write About Love (2nd Best Picture), Sunod (3rd Best Picture)

NOEL FERRER

Napakaganda ng diskusyon ng winners’ circle ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019 sa radio program naming Level Up sa TeleRadyo Inquirer 990khz nitong Disyembre 28, Sabado, na huling episode ko for 2019.

Una kong nakausap ang direktor ng Sunod na si Carlo Ledesma, na napakaligaya sa mga karangalang natamo ng kanilang pelikula.

Puring-puri niya ang kanyang mga artista sa pangunguna ni Carmina Villarroel.

Ikalawang nakausap ko ang nasa Cloud 9 pa ring si Direk Crisanto Aquino, na bukod sa multiple wins ng kanyang unang obra na Write About Love, ay nabigyan pa ng Special Jury Award for being an auteur—na maayos ang pagiging direktor, manunulat, at theme-song writer.

Nananalangin ang grupo nilang madagdagan pa ng sinehan para sa kanilang pelikula.

Sunod kong nakausap si MMFF 2019 Best Director Brillante Mendoza na nagsabing meron siyang nakalinyang international film festivals ng pelikulang Mindanao.

Malamang sa Europe, and they are looking at Spain. Sana matuloy ito para panibagong karangalan ito sa bansa.

Continue reading below ↓

Sumunod ay ang revelations ng MMFF 2019 jury chair na si Karlo Nograles na umaming nahirapan sila sa mga kategoryang Best Director and Best Picture.

Aniya, “Like last year [based on the rules], I had to break a tie.”

Pero ayaw nang sabihin ni Karlo kung anong kategorya.

Naging matagal din daw ang deliberations nila sa Best Actor category.

Pero sa pangkalahatan, masaya si Karlo sa choices ng pelikula dahil lalo pang gumaganda ang kalidad ng entries simula three years ago.

Pinakahuling nag-phone patch sa Level Up program ko ay ang 2019 Cairo International Film Festival at MMFF best actress na si Miss Judy Ann Santos.

Lubos pa rin ang pagpapasalamat sa karangalang natanggap at ang sabi’y iba pa rin ang manalo sa sariling bayan!

Natuwa si Juday nang ibalita ko na simula Disyembre 29, Linggo, may dagdag nang 20 screens/theaters na pagpapalabasan ng pelikula niyang Mindanao.

Sana ay gawin naman ng audience ang parte nila sa pagsuporta ng mga magagandang pelikulang inihain na sa kanila.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Hindi naman nawawala ang mga kumukuwestiyon sa mga napiling winners sa Metro Manila Film Festival.

Kaya hindi na nakakapagtakang may mga ganun pa ring intriga, kahit marami ang agree sa mga nanalo ngayong taon.

Meron pa ngang nang-iintrigang isa raw si Senator Bong Go sa nag-finance sa pelikulang Mindanao. Co-chairman kasi ng mga hurado si Senator Go.

Pero ayoko namang paniwalaang meron silang pinapaboran sa pagpili ng winners.

May sariling pag-iisip ang ilan pa sa mga bahagi sa mga hurado na kagaya nina Congresswoman Vilma Santos, Christopher de Leon, MTRCB Chair Rachel Arenas, Direk Joel Lamangan, Direk Joey Reyes, at marami pa.

Tingin ba ninyo, kayang diktahan ang dalawang direktor?

Kaya maganda ang resulta ng mga nagwagi, at sana ay lalo pang umangat sa box office itong mga nanalong pelikula pero nahuhuli sa takilya.

JERRY OLEA

Ang bumuo sa lupon ng inampalan para sa full-length films ng MMFF 2019 ay sina Hon. Karlo Alexei Nograles (chairman), Senator Bong Go (co-chairman), G. Arsenio Lizaso (vice chairman), Vilma Santos, Rachel Arenas, Direk Joel Lamangan, Direk Jose Javier Reyes, Christopher de Leon, Belinda Enriquez, Dr. Corazon Bautista-Cruz, Romeo Vitug, Nonong Buencamino, at Fr. Larry Faraon.

Continue reading below ↓

Natitiyak kong may makabuluhan silang paliwanag kung bakit walang “miracle” sa Gabi ng Parangal.

Ang Miracle In Cell. No. 7 ay remake ng isang South Korean film. Maraming aspeto ang kuwento nito na hindi tugma sa kultura ng mga Pilipino.

Ang Team Culion, partikular si Jasmine Curtis-Smith, magpasalamat na lang sana sa ipinagkaloob sa kanilang Special Jury Prize “to the ensemble of performers who yielded outstanding acting capabilities...”

Makabubuting magtanung-tanong si Jasmine sa kinauukulan kung bakit hindi pumasa sa panlasa ng mga hurado ang pelikula nilang Culion.

At iyong mga kumukuwestiyon sa kalibre ng Mindanao ni Direk Brillante Mendoza... maghunos-dili kayo!!!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Metro Manila Film Festival 2019 Best Picture winners: Mindanao (Best Picture), Write About Love (2nd Best Picture), Sunod (3rd Best Picture)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results