Magandang aktres at Pinoy international celebrity, nagkakamabutihan na?

by PEP Troika
Dec 29, 2019
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

GORGY RULA

Nagulat ako nang slight sa kuwento ng isang kaibigan na nagkakamabutihan umano ngayon ang magandang aktres at isang Pinoy international celebrity.

Si magandang aktres ay medyo nagpahinga muna sa pag-arte dahil may pinagkakaabalahan daw ito sa ibang bansa.

Pero napag-alamang kasama pala si magandang aktres ng Pinoy international celeb na dumating sa bansa kamakailan.

Naimbitahan si Pinoy international celeb sa isang malaking event na ginanap dito sa Pilipinas.

Magkasama raw ang dalawa, kaya nakita ko sa ilang posts sa Instagram account ni magandang aktres na nandoon siya sa event na yun.

Dagdag pang kuwento ng aming source, nakitang magkasama ang dalawa sa isang bar, kung saan sweet at sexy silang nagsasayaw.

Bantay-sarado raw ang bar na yun kaya hindi sila nakuhanan ng litrato.

Walang kinukumpirma ang magandang aktres at ang Pinoy international celebrity kung sila na nga, at baka magkaibigan pa lang ang dalawa, kaya ayaw magdagdag ng kuwento ang aming source.

Continue reading below ↓

Yun na lang daw muna ang tsika niya at baka mahalatang siya ang source.

Lagot daw siya kay Pinoy international celebrity dahil iilan lang silang nakakita na magkasama ang dalawa.

Mahirap itago ang kanilang relasyon, kung meron man, dahil pareho silang sikat.

Ewan kung alam na ito ng ina ni magandang aktres at kung boto siya sa bagong pag-ibig ng anak.

NOEL FERRER

Matanda na ang dalawang taong involved dito at mga consenting adults na. Alam na nila ang kanilang ginagawa.

Ang tanong ko: relasyon ba talaga o MOMOL lang silang dalawa?

Alam ninyo ang nature ng mga modern relationships, puwedeng walang commitment.

JERRY OLEA

Me ganun?

Kung ang magandang aktres ang nakapagbibigay kay international celebrity ng kailangan nito sa buhay, maligaya ako para sa kanila.

Parehong wala na sa kalendaryo ang edad nila, at mahigit isang dekada ang agwat. Kaya ang ganitong pagkakamabutihan ay hindi pangkilig lamang.

Kumbaga sa combo meal, kakaibang kumbinasyon—gaya ng sardinas at mansanas.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results